Jopet's POV
Nandito parin ako sa bench kung saan ko nakausap si Rizza...
Ramdam ko ang sakit na dala-dala niya...
Kaya pala ganun nalang ang kagustohan ng lalaking yun na protektahan siya...
Grabi pala talaga ang ginawa sakanya ng boyfriend niya at nagiisang bestfriend niya...
Bakit ba kasi may mga manloloko pang nabubuhay sa mundo?!
Umiyak siya...
Sa harap ko...
Tumulo ang mga mala-crystal na luha sa mga inosenteng niyang mata...
"Sssshhh.... Wag ka ng umiyak..."
Yan lang ang nasabi ko sakanya
Sh*t! Di ako marunong mag comfort lalo na sa umiiyak na babae!
Pinunasan ko nalang gamit ang hinlalaki ko ang pisngi niyang basang-basa na ng luha...
Kung tititigan mo siya, para siyang anghel na galing sa taas na parang walang pinoproblema
Pero...
Sa likod pala ng maamong mukhang yun ay isang milyong sakit at hinanakit pala ang tinatago...
Haaaaayyy...
Makauwi na nga at mapag isipang mabuti yung hinihinging pabor ng lalaking yun.Pati ako tuloy parang naging madrama nadin ang buhay.
[Kinabukasan]
Pagkagaling sa school umuwi kaagad ako sa unit ko at kumain na ng tanghalian...
Alas-dos na pala ng tanghali
Pagkatapos nun ay nag-online agad ako at nagbukas ng facebook...
Hinanap ko kaagad sa chatbox yung weirdong lalaki na may weirdong user name na "I'm Rizza's Guardian Angel"
Siya yung lalaking nag message sakin pagkatapos kong iligtas si Rizza sa lumilipad na bola
[A/N: Meron bang ganun? Lumilipad na bola? Weird mo din Jopet =____=++]
Kaano-ano kaya niya si Rizza?
Binasa ko uli yung mga conversation namin nung nakaraang gabi...
(I'm Rizza's Guardian Angel: Salamat sa pagligtas mo sakanya.)
Jopet Dela Rosa: Huh? Sino? Sino ka ba?
(I'm Rizza's Guardian Angel: I'm Rizza's Guardian Angel)
Ang weird nito ahh? Sino ba yung Rizza?
Jopet Dela Rosa: Sinong Rizza ba yung pinagsasabi mo, ahh?
(I'm Rizza's Guardian Angel: Yung girl na niligtas mo kanina para di tamaan ng bola? Siya si Rizza.)
Ahh...
Yung bulag pala.
Naalala ko nanaman yung pagiging tanga ko. Haist!Jopet Dela Rosa: Ahh... Wala yun, alangan namang pabayaan kong matamaan ng bola?
(I'm Rizza's Guardian Angel: Thanks talaga... Ahm. Can you do me a favor?)
Huh? Bakit?
Sino ba siya???
Jopet Dela Rosa: Huh? Why?
(I'm Rizza's Guardian Angel: Please, pumayag kana, pag pumayag ka ibibigay ko lahat ng hihilingin mo?)
Jopet Dela Rosa: Psh... Ano bang favor yan?
(I'm Rizza's Guardian Angel: Be her Guardian Angel too... Protect her)
Jopet Dela Rosa: Huh? Diba ikaw na yun? Tsaka, di ko naman siya kilala bakit ko naman gagawin yun?
(I'm Rizza's Guardian Angel: Di ko na kasi magagampanan yun ngayon... Busy ako lagi, kaya di ko na siya mababantayan)
Jopet Dela Rosa: Bat naman ako pa? Wala akong kaalam-alam sa pag-aalaga... wag nalang ako! Iba nalang...
(I'm Rizza's Guardian Angel: Di mo naman siya kailangang alagaan pa. Babantayan at pro-protektahan mo lang siya kagaya ng ginawa mo kanina)
Jopet Dela Rosa: Okay! Fine, pwede bang pagisipan ko muna?
(I'm Rizza's Guardian Angel: Okay, Hope you'll accept my offer... i-chat mo nalang ako for your decision, para narin matulongan ka sa pag de-disisyon, kausapin mo siya at makipag kaibigan ka sakanya para hindi kana magtaka kung bakit ko hinihiling sayo na maging guardian angel niya... Mabait na bata si Rizza, tiyak kong magiging magkaibigan kayo.)
Jopet Dela Rosa: Okay.
(I'm Rizza's Guardian Angel: One more thing... Tuwing 4 pm lang ang punta niya dun sa park at 6 pm naman ang uwi niya. Sana makausap mo siya, be her friend. Thanks again!)
I'm Rizza's Guardian Angel is now Offline
Nakapag desisyon naman na ako, kaya mag li-leave nalang ako ng message sakanya...
Sana tama tong desisyon ko. Dahil pinagpapawisan pa ako habang nag tatype.
Jopet Dela Rosa: I'll accept your favor, I will be her guardian angel or protector from now on.
Tinatanggap ko na ang pabor na hinihingi niya sakin...
Matapos ko kasing makausap si Rizza kahapon parang gustong-gusto ko siyang bantayan at protektahan...
Ewan ko ba sa sarili ko.
Pabigla bigla haist!Ang WEIRD ko na rin! Tsk...

YOU ARE READING
★The Blind [OnHold]
RomanceEnjoy reading my Lovely and Handsome readers! Sana po magustohan niyo ang FIRST STORY ko:) Advance Sorry po sa mga Grammatical at Typos Error. Nag ta-tatlong isip pa nga po ako kung itutuloy ko ba o hindi ;/ But THANKS sa support ng mga FRIENDS ko...