>Third Person's PoV<
1 oras na ang lumipas at nasa loob parin si Rizza at inooperahan...
Samantalang ang kanyang pamilya ay di mapakali sa labas ng O.R.
Ang Mommy at Daddy nya ay magkayakap...
Si Kuya Larry naman ay lakad dito, lakad doon ang ginagawa.
Habang si Jopet naman ay nakaupo na at tinawag na lahat ng santo at santa sa kadadasal.
"GOD give her strenght" bulong ni Jopet
Umupo naman sa tabi niya si Kuya Larry...
"HAHA... Wag ka masiyadong magalala Jopet, makakaya yan ni Rizza" sabi ni Kuya Larry kay Jopet habang pilit ngumingiti dahil siya din naman ay SOBRANG nagaalala...
Napa buntong hininga nalang si Jopet
"Ahm. Jopet thanks sa pagtanggap ng offer ko sayo noon na maging G.A. ni Rizza" Kuya Larry
Nanlaki naman ang mga mata ni Jopet sa narinig
"HAHA... alam kong na-weirdan ka sakin pero thankful ako kasi nabanytayan mo siya ng maayos para sakin, simula kasi ng magkakilala kayo ay medyo lumambot na ang ulo niyan! HAHA... dati kasi ang tigas ng ulo, ayaw niyang inomin yung mga gamot niya. Thanks kasi sa maikling panahon ay napasaya mo ang kapatid ko." litanya ni Kuya Larry
"I-ikaw po pala yun" yan lang ang nasabi ni Jopet dahil di parin siya makapaniwala na si Kuya Larry pala ang naka chat niya noon sa facebook.
Tumago lang si Kuya Larry bilang sagot.
*silence*
"You've done your part very well Jopet, as a promise anu ba ang gusto mo? kabayaran yun sa pagbabantay kay Rizza" Kuya Larry
"A-ang gusto ko lang ay..."
"Anu? Wag ka mahiya Jopet, dapat nga't ako ang mahiya sayo dahil napaka laki ng hiningi kong pabor sayo no--"
Di pa natatapos ni Kuya Larry ang sasabihin niya ng lumabas bigla ang isa sa mga doctor sa loob ng O.R.
Napatayo silang lahat at agad lumapit sa doctor
"Mr. how is she?" nagaalalang tanong ni Mrs.Corpuz

YOU ARE READING
★The Blind [OnHold]
RomanceEnjoy reading my Lovely and Handsome readers! Sana po magustohan niyo ang FIRST STORY ko:) Advance Sorry po sa mga Grammatical at Typos Error. Nag ta-tatlong isip pa nga po ako kung itutuloy ko ba o hindi ;/ But THANKS sa support ng mga FRIENDS ko...