August 26, 2016
Friday, 9:00AM
Ang ingay...tingin ko'y hindi na mapapantayan ng ibang section ang kaingayan ng section na ito. Naturingan pa namang section A.
Lahat sila...ang sasaya...ako lang ang hindi. Wala naman silang pakialam sa akin. Wala...
Ako si Zach Evensie...ako ang class loser. Wala akong kaibigan. Ni wala ngang kumakausap sa akin dito eh. Meron naman kahit papaano. Pag may kailangan lang. Ganun kakapal ang mga mukha nila.
Ako ang laging binu-bully sa klaseng ito. Bobo daw ako. Pero hindi naman talaga. Bakit pa ako mapupunta sa section A kung hindi naman ako matalino hindi ba?
Puro yabangan lang naman dito. Matatalino nga pero mayayabang naman. Sila ang nakatataas kaya walang pakialam ang mga teachers sa kanila kung sakaling mag-ingay man sila.
Naramdaman kong may dalawang nakatayo sa unahan ko kaya iniangat ko ang ulo ko para makita sila.
Nakita ko sila Lance at si Dexter na nakatayo sa harapan ko. Nakatingin silang dalawa sa akin. Nakangiti. Actually hindi namin talaga sila nakangiti kundi nakangisi.
Sila ang top sa klase. Si Lance ang top 1 at si Dexter naman ang top 2. Sila rin ang pinakamayabang sa klase. Sabi nila, hindi naman daw talaga sila mayabang nung 1st year high-school pa sila. Lalo na si Lance. Siya pa nga daw ang pinakamabait, palakaibigan at pinaka mapagbigay. Pero sadyang lumaki lang ulo nila dahil sa mga natatanggap nilang karangalan kaya inaaway nila yung mga bo-bobo-bobong kaklase nila. Sila ang laging magkasama at magkaibigan sa lahat ng bagay pero pagdating sa grades ay nagyayabangan at nag-aaway naman sila. At ako lang naman ang paborito ng mga ito na awayin.
"Zach, anong score mo sa test kanina?" Tanong ni Lance. Ang tinutukoy niya ay ang long test namin kanina sa Math.
"14." Maikling sagot ko. Nagtawanan ang dalawa. Kahit ang mga katabi kong nakarinig ay nakitawa.
"14 lang?! Out of 60?! Hahaha!" Lait pa nitong si Dexter.
"Hindi na ito magi-improve pre. Habambuhay, BOBO!" Sabi ni Lance at nagsabay silang dalawa ni Dexter sa pagsabi ng 'bobo' sa akin. Naghari ang ingay sa paligid dahil sa pagtawa ng mga kaklase ko. Hindi naman talaga ako bobo. Para sa akin, mas matalino pa ako sa kanila. Sadyang nauuna ko lang ang pagka-stress ko kaysa sa pag-aaral. Kaya ako naging 14 lang kanina sa long test.
"Hoy! Tigilan niyo na nga iyan! Umiyak pa iyan eh!" Sabi ni Trishia. Kunwari pa siyang pinagtatanggol niya ako. Pinapamukha lang naman niya sa akin na ako ang pinakakawawa sa lahat.
"Sige na nga! Maiwan ka na namin diyan! LOSER!" Pero bago pa nila ako iwanan ay binuhusan muna ako ni Dexter ng orange juice mula sa hawak niya bote. Nahari na naman ang tawanan sa paligid. Kumpara kanina ay mas malakas pa yung ngayon.
Tama na...sobra na... ayoko na ng ganitong buhay. Sobra na sila! Naubos na nila ang pasensya ko. Paano na ako magpapalit ngayon?! Bwisit sila!!! Sana mamatay na lang sila!!!
Sa isang iglap ay biglang nagbago ang eksena. Nakita ko si Dexter sa gilid. Nakatihaya at duguan. Nahinuha kong may buka ang dibdib nito. Para siyang sinaksak ng kutsilyo. Kalat-kalat ang dugo niya sa paligid.
Habang ang isang kamay ko naman na may hawak-hawak na isang ballpen ay nakatusok sa mata ni Lance na walang humapay sa pagdurugo. Patuloy lang ang pagtulo ng kanyang dugo sa sahig. Nagmistulang slow motion ang paligid. Ni hindi pa yata nagsi-sink-in sa utak ko ang nangyayari. Ano ba talagang nangyayari? Nakarinig ako ng sigawan. Nakakarindi. Para bang galing mula sa ilalim ng lupa. Sigawan na hindi maalis sa aking isipan kailanman.
BINABASA MO ANG
Zach
HorrorSi Zach ay isang taong may galit sa mundo. Bunga ng mga taong nambu-bully sa kanya. Buong buhay ay iniisip niyang ayaw sa kanya ang lahat at nagtataka siya kung bakit pa siya isinilang. Magle-lad kaya ang galit niya sa mundo para maging isa siyang m...