September 6, 2016
9:00AM, Tuesday
Zach's POV
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko. Hindi ko pala naisara ang kurtina ng bintana ng kwarto ko kagabi. Napatingin ako sa orasan ko sa study table katabi ng kama ko. 9:00 na pala ng umaga. Nakaramdam ako nang matinding gutom. Pawis na pawis ako kaya naligo muna ako sa banyo sa loob ng kwarto ko bago bumaba. May banyo kasi ang bawat kwarto dito sa bahay nila Tita Melba.
Pagkapasok ko pa lang sa loob ay hinubad ko muna ang boxers ko bago buksan yung shower. Ginising ng malamig na tubig ang aking diwa. Pumasok na lang sa isip ko ang nangyari kagabi. Buti na lang hindi nila ako nahuli. Simula pa lang iyan! Hindi pa natatapos ang lahat. Nagsasaya pa ako eh. Hindi basta-basta natatapos ang lahat sa pagpatay sa isang aso.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo. Hindi na ako nag-towel dahil mag-isa lang naman ako dito sa kwarto. Bago ako magbihis ay tinignan ko muna ang ilalim ng kama ko. Doon ay nakita ko ang short pants ko at shirt ko na naging kulay pula na sa dami ng dugo nito. Kinuha ko ito. Kinuha ko na rin ang kutsilyo na kasama rin doon. Nilagay ko ang kutsilyo sa drawer ng study table. At nilagay ko na lang ulit ang short pants at shirt ko doon sa maleta ko.
Pagkabihis ko ay bumaba na ako. Pagkababa ko ay may narinig akong boses ng isang lalaki. Hindi ito boses ni Mang Lance o ni Mang Tyler. Nanggagaling doon sa may basement sa may kusina. Parang mas batang boses pa kaysa sa dalawa. Pumunta ako sa pintuan ng kusina pero bago ako pumasok ay idinikit ko muna ang tenga ko sa pinto ng kusina. May pinto kasi iyon eh.
"Sige po. Pababantayan na lang po namin kayo." Katulad kanina ay narinig ko na naman ang boses na iyon.
"Maraming salamat po." Rinig kong sabi ni Tita Melba.
"Walang anuman po." Rinig ko namang sabi pa ng isang boses na lalaki. Inalis ko na ang pagkakadikit ng tenga ko sa pinto nang marinig ko ang mga yabag papalapit. Nanatili akong nakatayo sa harapan ng pintuan ng kusina hanggang sa bumukas ito at bumungad sa akin ang dalawang naka-unipormeng mga pulis pati si Tita Melba.
"Zach." Tawag ni Tita Melba sa akin. Malaki ang eyebags niya. Halata mong hindi siya nakatulog mula nung makita niya ang patay na katawan ni Archie. Halata mo rin na nanginginig siya at nasa mata pa rin niya ang takot na sumakop sa kanya kaninang madaling araw. "Gising ka na pala." Lumapit siya sa akin at binigyan ako nang isang mahigpit na yakap. Isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko at humagulgol na siya sa pag-iyak. "Wala na si Archie, Zach. Patay na siya. M-may pumatay sa kanya kaninang madaling araw." Gusto ko sanang matawa sa mga pinagsasabi niya at sa nararamdaman niya ngayon kaso nga lang ay may dalawang pulis naman sa harapan ko.
Kung ngayong aso pa lang ang napapatay ko ay takot na takot na siya, ano pa kaya ang mga isusunod ko?
Napatingin ako sa dalawang pulis na nasa harapan ko. Sana naman ay umalis na sila. Hindi ko na kasi mapigilan ang pagtawa ko.
Kinalas niya ang sarili niyang pagkakayakap sa akin. Sinuklay-suklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.
"M-mag-ingat ka ah. N-nasa paligid lang ang pumatay kay Archie." Hindi ko na napigilan at napatawa ako bigla. Pero dahil may pulis pa nga pala sa harapan namin ay nagkunwari ako na umubo. "A-ayos ka lang?" Hinagod-hagod niya ang likod ko. Mas lalo ko pang ginalingan ang pag-arte.
Umayos ako ng pagtayo at nagkunwari akong pinipilit na huwag umubo sa harapan nila. "A-ayos lang po ako."
"Uminom ka ng tubig. Pati may pagkain na pala doon sa kusina. Kumain ka na tapos tulungan mo ako na maglipat ng kalan. Bawal kasing pumasok diyan. I-imbestigahan pa iyan ng pulis." Sabay turo doon sa kusina na ngayon ko lang napansin ay napalilibutan pala ng mga yellow tape.
"Sige po." Umalis na ako doon sa harapan nilang tatlo at nagpunta ng kusina. Muntikan na ako doon ah. Yumuko ako para lagpasan ang yellow tape at kumuha na ng pagkain doon sa kusina.
Sa sala na ako kumain. Hindi ako mapakali dahil nararamdaman ko ang pagtingin ng dalawang pulis sa akin. Nakahalata yata sa pagkukunwari ko ng ubo kanina. Sana naman ay umalis na sila. Pinilit ko na lang na hindi sila pansinin at ituon ang pansin ko sa pagkain para hindi nila ako mahalata.
"Ma'am, kailangan na po naming umalis. Babalik din po kami kaagad. Magla-lunch lang." Sabi nung isang pulis. Hay salamat naman! Baka kung ano pang mangyari sa akin kung sakaling mag-stay pa sila dito at wala naman silang ibang gagawin kundi tignan ako.
"Sige po. Maraming salamat." Rinig kong sabi ni Tita Melba. Narinig ko na ang mga yabag nila papaalis. Nung makalabas na sila sa bahay ay tinignan ko sila habang naglalakad sila palabas ng gate. Nagpaalam sila sa dalawang guard at nginitian naman ito ng dalawa.
"Zach, sa kwarto lang ako ah. Pagkatapos mo diyan ay tawagin mo ako para tulungan na ilipat iyung kalan pati yung dining table."
"Sige po, Tita." Umakyat na siya pagkatapos noon.
Sisiguraduhin kong hindi niyo ako mahuhuli sa akto. At hindi rin ako papayag na matatalo ako sa larong ito.
BINABASA MO ANG
Zach
HorrorSi Zach ay isang taong may galit sa mundo. Bunga ng mga taong nambu-bully sa kanya. Buong buhay ay iniisip niyang ayaw sa kanya ang lahat at nagtataka siya kung bakit pa siya isinilang. Magle-lad kaya ang galit niya sa mundo para maging isa siyang m...