September 6, 2016
3:00AM, Tuesday
Tita Melba's POV
Umaakyat ako ng hagdan. May dala-dala akong pagkain. Pang-almusal ni Zach. 12:00AM. Hindi ko alam kung bakit ganitong oras ko siya dinadalhan ng almusal. At hindi ko rin alam kung bakit almusal ang tawag ko sa pagkain na ito gayong hatinggabi pa lang naman.
Nung nasa harapan ko na ang pintuan ng kwarto ni Zach ay kinatok ko ito. "Zach?" Tawag ko sa kanya. Alam kong gising ito dahil lumabas ito ng kwarto niya para uminom ng tubig sa kusina kung saan ako nagluluto ng almusal.
Hindi ko alam kung bakit ganitong oras pa ako nagluluto ng umagahan eh. Bakit nga ba? Bakit ganitong oras pa ako nagising para magluto?
Napapansin kong hindi pa binubuksan ni Zach ang pintuan ng kwarto niya.
"Zach?" Tawag ko sa kanya. Nung hindi siya sumasagot ay inalis ko muna ang pagkakahawak ng kanang kamay ko sa pagkain niya at kinuha ang susi sa bulsa ko. Yung susi sa lahat ng bagay dito sa bahay na naka-padlock at kailangang susihan.
Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Zach na tulog na. Natakot ako sa itim niyang mga pilikmata. Nabitawan ko ang pagkain at nahulog ito sa sahig nung bigla itong dumilat. Mas lalo akong natakot sa itim niyang mga mata. Bigla itong luminngon sa akin. Iyung parang nanggugulat. Napaatras ako ng konti. Unti-unti siyang bumangon sa kanyang hinihigaan ng wala man lang suporta sa kanyang dalawang kamay. Bagay na mas lalo nagpatindi ng takot sa akin. Sumigaw siya. Sigaw na nakakabingi. Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa pagkarindi.
Nagising ako mula sa eksenang binuo ng aking utak habang ako ay natutulog. Salamat naman. Pawis na pawis ako. Sobrang tindi naman kasi nung panaginip ko. Nakakatakot. Nakaramdam ako ng uhaw kaya bumangon ako at bumaba para pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Nung makababa ako ay magpapatuloy na sana ako sa kusina ng may napansin ako. Tumigil ako saglit.
Tinignan ko ang sahig. Ginapangan ako ng takot nang makita ko ang sahig na may bahid ng dugo. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling pero napansin kong meron din nito sa labas ng bahay namin at pati na rin doon sa labas ng gate. A-ano bang nangyari dito? Napansin ko rin na tulog ang dalawang guard.
Tumakbo ako papunta sa kanila.
"Hoy! Magsi-gising nga kayo! Tignan niyo ang nangyari dito!" Sigaw ko sa kanila sabay turo doon sa bahid ng dugo. Nagsilakihan ang mga mata nila. Hindi makapaniwala sa nangyayari. "Ano pang hinihintay niyo?!" Sigaw ko sa kanila. Silang dalawa ay agad kumilos. Si Tyler ang sa loob ng bahay at si Lance naman doon sa labas ng gate.
Nagsimula na akong maglakad-lakad nang pabalik-balik. Hindi ako mapakali. Kinakagat-kagat ko ang kuko ko sa sobrang takot at nararamdaman ko ang panginginig ng kamay ko sa mga ngipin ko habang kinakagat ko ito.
Ano bang nangyari? Nasaan na si Zach? Sa kaniya kayang dugo iyon? Nandito siya kagabi hindi ba?
Mas lalo pa akong nakaramdam nang mas matinding takot. Agad akong tumakbo sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ni Zach. Kinalampag ko ang pinto nito.
"Zach?!" Tawag ko sa kanya. Nang walang sumasagot ay mas lalong tumindi ang takot ko kumpara kanina. Kinuha ko sa bulsa ko ang mga susi ng bahay at binuksan ang pintuan. Pagkabukas ko ay nakita kong natutulog lang siya. Nakahinga ako nang maluwag.
Hindi sa kanya ang dugo na iyon. Pero kanino kaya ang dugo na iyon? Bumalik na naman sa dati ang tindi ng takot ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto ni TJ na katabi ng kwarto ni Zach ng dumating si Lance.
"Ma'am! Walang patay doon sa labas. Pero mas maraming dugo doon sa dulo ng mga dugo!" Sabi niya.
"Hanapin mo si Tyler dito sa loob ng bahay!"
"Sige po, Ma'am." Tumakbo na siya pababa para hanapin si Tyler.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni TJ. Nang mabuksan ko ay nakita ko siyang natutulog sa loob nito. Nakahinga ulit ako ng maluwag. Kung gayon, kanino ang dugo na iyon? Bababa na lang ako at hahanapin silang dalawa. Pababa pa lang ako ng hagdan ay siya namang akyat ng dalawang guard. Nagmula sila doon sa kusina.
"Ma'am! Si Archie ay nando'n po sa basement. Patay." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko at agad na bumaba at tumakbo papuntang basement. Nung makapunta ako doon ay binuksan ko ang ilaw doon sa hagdan nito pababa. Nakita ko sa baba ang patay na katawan ni Archie. Napatakip ako sa aking bibig sa sobrang pandidiri. Napaiyak ako.
Mahal na mahal ko ang aso na iyan. Siya iyung laging nagpapasaya sa aming dalawa ni Archie. Sino naman kaya ang gagawa nito? Bumaba ako. Wala ng dugo na lumalabas mula sa mga...saksak?
Napansin kong marami itong saksak sa tiyan niya. Napansin ko rin na sinaksak din ang mga mata nito. Nalaman kong wala na ang dila nito dahil nakanganga ito. At may napansin din ako sa tiyan nito. Parang may...nakasulat?
Nilapit ko ang mukha ko kahit na nandidiri ako sa amoy at sa itsura ni Archie para lang mabasa ko ang nakasulat dito.
.
.
.
.
.
SURPRISE
/wJDtBH^EF>
BINABASA MO ANG
Zach
HorrorSi Zach ay isang taong may galit sa mundo. Bunga ng mga taong nambu-bully sa kanya. Buong buhay ay iniisip niyang ayaw sa kanya ang lahat at nagtataka siya kung bakit pa siya isinilang. Magle-lad kaya ang galit niya sa mundo para maging isa siyang m...