Chapter 3

4 0 0
                                    

September 5, 2016, Monday
9:00AM

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Hindi ko pala naisara ang bintana at kurtina dito sa kwarto ko kagabi kaya ako nasisinagan ng araw.
Hindi ko magawang bumangon. Kanina pa sinasabi ng isip ko na ako ay bumangon pero hindi ko magawa.
Tinignan ko ang orasan na nasa study table lang na nasa tabi ko. 9:00 na pala ng umaga. Nakabangon na kaya si Tita? Nakita na kaya niya ang gripo doon sa banyo na nasira ko? Buti na lang ay nagawan ko ito kaagad nang paraan. Gumamit ako ng towel at panghalo na kahoy at ibinalot ko ng towel doon sa dulo ng panghalo ng kahoy at itinusok ko ito sa nasirang gripo upang tumigil sa pagdaloy ang tubig na mula dito.
Parang ayoko na tuloy bumangon dahil baka pagalitan niya ako pa nakita niya ako. Hindi muna ako bumangon. Pagkalipas ng ilang minuto, tinignan ko ulit ang orasan. 9:26 na.
Bakit ba ako natatakot sa matandang iyon? Papatayin ko rin naman iyon balang araw. Hindi na iyon magtatagal sa  mundong ito.
Kahit tinatamad, pinilit kong bumangon at bumaba. Nakita ko si Tita sa baba na naggagantsilyo. Nakita niya ako.
"Oh Zach. Bakit ngayon ka lang pala nagising?" Tanong niya sa akin.
"Masyado lang po akong inantok dahil sa biyahe namin kahapon kaya napahaba po ang tulog ko." Sabi ko.
"Ganun ba? Oh sige, kumain ka na diyan. Ikaw talagang bata ka. Late ka na tuloy mag-almusal." Sabi niya sabay turo doon sa dining room kung saan ay nakahain ang pagkain ko. Nakakain na yata silang dalawa ni TJ. Anak ni Tita. 4 years old pa lang yata iyon. Hindi pa yata masyadong maalam sa pagsasalita. Kumain na ako. Habang nakain ako ay tinanong ako ni Tita.
"Ikaw ba ang nakasira ng gripo sa banyo?" Bigla akong kinabahan.
"P-po?"
"Ikaw ba ang nakasira ng gripo doon sa banyo?"
"Opo. Bigla po kasing nahulog ang tabo doon sa gripo. Nasira na po." Pagsisinungaling ko.
"Ang bilis naman atang nasira iyon. Marupok na yata. Pero ayos naman na. Napaayos ko na." Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya at nagpatuloy na ulit ako sa pagkain. Nung matapos na akong kumain ay tumayo na lang ako. Baka kasi lumaki ang tiyan ko.
Wala akong magawa. Umikot-ikot na lang ako sa buong kabahayan para malibang. Wala na si Tita sa bahay. Umalis na yata dahil may trabaho. Ano nga bang trabaho no'n? Hindi ko  na matandaan.
Nasa taas ako nang makita kong may batang lalaki naglalaro sa dulo ng daanan dito sa taas. Nakasakay siya sa kotse na pambata. Umiikot-ikot lang ito doon sa dulo nang taas. Kung nasaan ang bodega ni Tita. Napatigil ito sa pag-ikot-ikot. Unti-unti itong napalingon sa akin. Tumayo siya mula sa pagkakaupo doon sa kotseng pambata. Lumapit sa akin.
"Kayo po ba ang anak ni Tita Elena?" Tanong niya. Medyo nakakarindi ang matinis niyang boses.
"Oo. Ako nga." Sagot ko.
"Ano pong pangalan niyo?"
"Zach."
"Pwede po bang ibaba niyo po ang sasakyan ko? Iniwan po kasi ako ni Mama dito kaya hindi ako makababa?"
"Sige." Binuhat ko ang sasakyan niyang may kabigatan. Nung maibaba na niya ay wala man lang kahit na isang pasalamat na sinabi ay naglaro na siya nito at nag-ikot sa buong bahay.
Well, sanay naman na ako dahil tuwing may tutulungan ako ay hindi naman din sila marunong magpasalamat sa akin. So kung hindi siya magpapasalamat sa akin ay wala na akong pakialam. Sanay na akong ganun ang mga tao sa akin.

ZachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon