Chapter 5

5 0 0
                                    

September 5, 2016, Monday

10:00PM

Zach's POV

"Hindi ka pa ba matutulog, Zach?" Tanong ni Tita Melba sa akin. 10:00 Na kasi ng gabi at ako ay nakaupo pa sa sofa nila. Pake ba niya? As if namang may pakialam siya sa akin.

"Hindi pa po."

"Sige, matutulog na kami ni TJ ah. Maaga pa ang pasok niya bukas. Kailangan niyang pumasok. Hindi siya nakapasok ngayon eh." See? Walang mga pake iyan sa akin. Sobrang lambing pa ang boses ni Tita Melba nung sinasabi niya iyon. Nagkukunwari lang iyon!

"Sige po." Pagkatapos kong sabihin iyon ay umakyat na silang dalawa ni TJ sa hagdan. Diba? Hindi man lang ako pinilit matulog?

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang inis. Sanay na ako sa mga ganyang ugali nila. Medyo nakakasawa na. Hindi ko nga alam kung hinahana ko pa ba ang concern galing sa kanya eh.

***

Dumilat ako. Nakatulog pala ako. Nag-inat ako ng katawan. Alam kong gabi pa dahil madilim ang kapaligiran. Tinignan ko ang wall clock doon sa katabi ng pintuan. 11:00 na ng gabi. Isang oras din pala ako nakatulog. Nakaramdam ako ng uhaw. Pinilit kong tumayo kahit na tulog na tulog pa ang katawan ko at pumuntang kusina para makainom ng tubig.

Habang nagsasalin ako ng tubig sa baso ko mula sa malaking jar ay tinignan ko saglit ang dalawang guard na natutulog doon sa gate. Mga walang kwentang guard. Nasa trabaho tapos natutulog? Anong klaseng guard ang mga iyan?

Nung matapos na akong magsalin ay ininom ko na ito. Pagkatapos kong inumin ang tubig ay ipinatong ko ito sa mesa at may ideyang biglang pumasok sa isip ko. Di ba kinuha ng asong iyon ang pagkain ko kanina? Tamang gawain ba iyon? Hindi! Pakiramdam ko naman ay walang silbi ang asong iyon sa pamamahay na ito eh. Kailangan na niyang mawala. Pumunta ako doon sa lagayan ng kutsilyo at humugot ng isang pinaka malaki. Lagot ka sa akin ngayon. Hahaha!

Bigla akong may narinig na tumahol sa likod ko. Sakto ang pagdating niya. Lumingon ako sa likod at nakita ko siya na nakatayo sa harapan ko. Nagtitigan kami saglit.

Ikaw na aso ka! Ang tanging dala mo lang naman sa tahanan na ito ay kasiyahan pero wala ka namang naitutulong! Pero mukhang mas mahal ka pa nila kaysa sa akin! Ngayon, lagot ka sa akin!

Tumakbo siya palayo. Gusto mo ng habulan? Magaling din ako diyan!

Tumakbo ako nang sobrang bilis. Tumakbo siya sa labas. Aba talaga! Tinago ko sa bulsa ko ang kutsilyo. In case na magising ang dalawang guard. Tumakbo ako palabas ng bahay. Nung nakalapit na ako sa gate ay dahan-dahan ko itong binuksan nang hindi magising ang dalawang guard.

Laking pasalamat ko dahil hindi sila nagising. Tumakbo ako sa labas. Hindi ko makita ang aso. Nasa'n na kaya iyon? Ngayon naman ay gusto niya ay tagu-taguan? Hindi talaga siya magpapahuli ah!

Sinilip-silip ko ang mga puno sa paligid. Mga halaman. Hindi ko siya makita. Pero nung hahawiin ko na ang panghuling halaman ay bigla siyang lumabas at nagtatakbo palayo. Tumakbo ako ng sobrang bilis at nahabol ko siya sa labas. Buti na lang at walang tao sa paligid kaya walang makakakita sa gagawin ko. Inangat ko ang aso sa pamamagitan ng pagsakal dito. Ipinantay ko ang mukha niya sa mukha ko. Nararamdaman ko ang pagsipa niya sa tiyan ko. Rinig na rinig ko sa kanyang mga ungol na nasasaktan na siya. Na hindi na niya kaya.

Nung wala na siyang buhay ay ibinagsak ko siya sa lupa. Inilabas ko ang kutsilyo na nasa bulsa ko lang. This is it. Lumuhod ako sa lupa at paulit-ulit na isinaksak sa aso ang kutsilyo. Dumaloy ang masagana nito dugo. Nilaslasan ko siya ng leeg para sa huling pangto-torture na gagawin ko.

Sa loob-loob ko, nakaramdam ako ng kasiyahan. Tama, Zach. Ito ang kasiyahan mo. Ito iyon.

ZachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon