September 5, 2016
Monday, 3:00AM
"Aaaaah!" Puro mga sigawan ang naririnig ko. Sigaw ng mga taong puno ng takot. Sigaw ng mga naghihingalo. Ako? Naglalakad ako sa tila walang katapusang nasusunog na hallway. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako. Basta ang alam ko lang ay nasa may hallway ako. Naglalakad. Pagod na pagod. Hindi ko alam kung saan papunta.
Pakiramdam ko ay nasa isang condominium building ako. Marami kasing pinto. Parang pang condominium.
Maraming pinto ang nasusunog. Maraming taong takot na takot dahil sa mga eksenang nangyayari. Nagtataka ako dahil hindi ko alam kung bakit ako napunta dito. At ang nakapagtataka sa lahat ay hindi man lang ako makaramdam ng kung anomang takot hindi katulad ng mga tao sa paligid ko.
Maraming mga kamay ang lumalabas mula sa mga salamin ng pinto. May salamin kasi ang pinto. Merong mga nagsilabasang mga kamay sa kaliwa at may mga nagsilabasang ding kamay sa bandang kanan. Mga nagpipilit kumawala. Maraming kumakalampag ng pintuan. Nagulat na lang ako nang may biglang sumabunot sa akin mula sa likod ko. Isang kamay na lumabas mula sa salamin ng pinto ang sumasabunot sa akin. Pinilit kong makawala sa pagsabunot nito. Hinihila niya ang buhok ko papunta sa oob ng bahay sa pamamagitan ng pagpilit nitong pagpasok ng ulo ko doon sa pinaglabasan ng kamay niya. Dumikit ang pisngi ko sa pinto nito at nakakapaso ang init nito. Napasigaw ako. Pinilit kong kumawala pero kapag mas lalo akong kumakawala ay mas lalo niyang nilalakasan ang paghila sa buhok.
Pasong-paso na ako sa sobrang init. Ayoko na. Ayoko nang matalo pang muli. Ginamit ko ang buong lakas ko para lang makawala at nagtagumpay naman ako. Tinignan ko ang kamay na sumabunot sa akin. Wala na ito doon.
Nakarinig ako ng nabasag na salamin. Pagtingin ko, may nabasag na salamin sa pintuan at mula doon sy may lumabas na isang mahabang kamay. Papunta ito sa akin. Animo'y balak akong kunin. Yumuko ako para hindi ako nito makuha. Ganun din ang iba pang intuan. May mga nakalabas ding mga kamay kaya tumakbo ako ng nakayuko.
Habang natakbo ako nang nakayuko ay nakarinig ako ng pagsabog mula sa likod ko. Tumigil ako sa pagtakbo pero nanatili pa rin akong nakayuko. Lumingon ako sa likod at nakita kong may isang pintuan doon ang sumabog kasabay ang pag-apoy ng pintuan.
Nanatili pa rin akong nakayuko at nakatingin sa parteng iyon. Mula doon ay unti-unting lumabas ang isang kakaibang nilalang. Nasusunog ang buo niyang katawan na halos hindi ko na makita ang mukha niya dahil ang nakikita ko lang ay ang apoy sa katawan nito. May sungay siya. Tumatawa siya habang naglalakad. Yung tawang mula sa ilalim ng lupa. Demonyong tawa. Para bang hindi siya nasasaktan sa pagkakasunog ng katawan niya.
Tumakbo ulit ako ng nakayuko. Walang lingon-likod. Hindi ako nagtangkang tignan pa ulit ang nilalang na iyon dahil sa sobrang takot ko.
Sa hinaba-haba ng tinakbo ko ay may nakita na rin akong kanto sa dulo. Nung malapit na ako doon ay biglang sumulpot ang nilalang na kanina lang ay nasa likuran ko at tinatakbuhan ko. Nilapit niya ang mukha niyang nasusunog sa mukha ko. Nakaramdam ako na para na rin nasusunog ang mukha ko. Lalaki man akong tao ay napatili ako sa sobrang takot.
Ang sunod na nakita ko ay kisame. Nakahiga na ako sa kama. Hingal na hingal. Pawis na pawis. Panaginip lang pala. Tumayo ako at bumaba na dahil nauuhaw ako. Kailangan kong uminom ng tubig. Nasa 2nd floor pa kasi ang kwarto. Masyado kasing mayaman si Tita.
Nung makababa na ako ay pumunta na kaagad ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Nang makainom na ako ay pumunta ako sa banyo dahi pakiramdam ko ay mapapadumi ako.
Habang nakaupo ako sa inidoro ay hindi ko maiwasang maisip ang mga nangyari sa school. Nakaramdam na naman ako ng lungkot at galit sa aking puso.
"B-bakit sa lahat ng taong makakaranas nito ay ako pa? Bakit ako pa?!" Napasigaw na ako sa sobrang galit. "B-bakit?" At humagulgol na ako sa kakaiyak. Sa kalagitnaan ng aking paghagulgol, naiisip ko yung araw na pinatay ko sila Lance pati si Dexter. Naalala ko yung time na sinaksak ko si Lance sa mata niya.
"Aaaaah!" Sabi ko sabay saksak kay Lester sa mata niya.
Sumasabay din ang kilos ng katawan ko sa realidad sa kilos ng aking katawan sa aking iniisip.
Sumunod ay yung sinuntok ko naman si Dexter. Lahat ay nagulat nung time na iyon dahil sa ginawa ko.
Katulad kanina ay sumasabay pa rin ang kilos ng katawan ko sa realidad sa kilos ng katawan ko sa aking pag-iisip.
Pagkatapos ay kumuha ako ng ballpen at ipinangsaksak ito sa dibdib niya ng buong lakas.
Sumabay din ang kilos ng katawan ko sa realidad sa kilos ng katawan ko sa aking pag-iisip pero sa pagkakataong ito ay wala naman akong hawak na kung anomang bagay at ang nakakuyom na kamao ko na parang akala mo ay may hawak talagang ballpen na katulad doon sa aking iniisip ay naitama ko sa gripo doon sa banyo ng buong lakas kaya nasira ito at dumaloy ang maraming tubig mula dito.
"Shit!" Kinuha ko ang nasira na gripo at pinilit kong ikabit ito sa isang parte nito. Pero ayaw makabit. Tumigil ako sa pagkabit. Pinabayaan kong mabasa ang damit ko sa tubig na nagmumula doon sa nasirang gripo. Mas laong tumindi ang aking galit sa mundo dahil nilalapitan na naman ako ng malas.
Binitawan ko ang nasirang gripo at pinagsusuntok ang pader ng banyo at sumisigaw sa galit. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na ako sa pagsuntok sa pader. Ramdam ko ang pagkabali ng mga buto sa daliri ko.
Sasaya ka rin, Zach. Sasaya ka rin balang araw. Ang pamilya ng kamag-anak mo ang pagkakatuwaan mo. Magiging masaya ka rin kapag napaglaruan mo na ang kanilang ulirat at kaluluwa. At malapit nang mangyari iyon.
BINABASA MO ANG
Zach
HorrorSi Zach ay isang taong may galit sa mundo. Bunga ng mga taong nambu-bully sa kanya. Buong buhay ay iniisip niyang ayaw sa kanya ang lahat at nagtataka siya kung bakit pa siya isinilang. Magle-lad kaya ang galit niya sa mundo para maging isa siyang m...