I still remember the day when I first saw you. Pero hindi kita binigyang pansin. Because I'm too busy doing everything to fit in. Ang hirap pala talaga kapag transferee ka. Ang hirap mag-adjust... Ang hirap makibagay. I was so envy that time sa mga taong transferee pa lang pero ang dami ng friends. If I were just friendly... But, I'm not.
Tahimik at mahiyain ako. Sobra. Naaalala mo pa ba nung tinulak ka ng mga kaibigan mo sa 'kin? I felt nothing-Wait. I think, I felt something. I felt a little bit... weird? Kasi naman, bakit ka naman nila itutulak sa 'kin? That was midnight, nang i-chat mo 'ko. You said sorry for what happened that day. I replied, "Wala 'yun." Hanggang sa humaba ng humaba ang convo natin... napaisip tuloy ako that time. Why I am wasting my time on you?
Classmates tayo, lagi mo tuloy akong linalapitan, lagi mo 'kong kinakausap... lagi mo'kong inaasar... hangga't sa dumating yung time na naging malapit tayo sa isa't isa. Tinulungan mo akong makihalubilo sa mga tao... Tinulungan mo ako kung paano maki-join sa mga classmates natin... Tinulungan mo ako kung paano maging confident sa aking sarili.
Habang tumatagal, mas nagiging close tayo sa isa't isa. Habang tumatagal, mas nagiging magaan ang loob ko sa 'yo. Kaya nga sobrang saya ko nung tinanong mo ako kung pwede ba akong ligawan. I was so happy that time... kaya kahit bawal pa ako, sinagot kita. Naging tayo nun... at ang saya ko. Sobra.
Who wouldn't fall for a guy like you?
Dahil parang ang perfect mo naman ata. You have those eyebrows... thick yet so perfect for your face. Your long eyelashes that matches your brown eyes. Your pointed nose and your pinkish lips. And you're oozing with sex appeal... Kahit sino ata maakit mo, kahit sino ata mabibihag mo...
At nabihag mo nga ako...
And I just realized that I'm so lucky to have you. Ang dami atang naiinggit sa 'kin dahil sa akin ka. Lagi tayong magkasama... lagi tayong masaya... But shit happened, bigla ka nalang naging cold sa 'kin. Bigla mo nalang akong di kinakausap. Alam mo bang halos mabaliw na ako sa kakaisip kung anong nagawa ko at bigla kang naging ganon? Kapag tinitingnan ko ang mga mata mo, umiiwas ka... Kapag lalapit ako sa 'yo, lalayo ka. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
I don't know if I am really inlove with you. Or I am just infatuated with the thought of loving you... magulo ba? Magulo talaga.
Hanggang sa linapitan mo na ako, sobrang saya ko nun... Nginitian mo ako, pero alam kong peke 'yon. Sinabi mo na may dapat tayong pag-usapan. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan... kaya umiling nalang ako at ngumiti.
"Halika na, Dean. May tampo pa ako sa 'yo, hindi ka man lang ba mags-sorry? Ilang days mo akong hindi pinapansin! Hmp. Pasalamat ka love kita kaya palalampasin ko nalang yun..." I held your hand. But you pushed me away. Sa akto mo pa lang na 'yon, alam kong... everything is not okay.
"Andy, mahal ko pa pala ang ex ko... Ngayon ko lang na-realize..." I was speechless. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko o kung ano dapat ang isasagot ko.
I should've slapped you... I should've shouted at you... But I didn't. Instead, I smiled and held your hand.
"Ganon ba? Okay... sabi mo 'yan eh." Binitawan ko ang kamay mo. Kagaya ng pagbitaw mo sa 'kin, kagaya ng pagbitaw mo sa mga pangako mo... "Paano na yung mga pangako mo?" Natawa ako atsaka napailing. Ang tanga ko naman. "Oo nga pala... paano mo tutuparin yung mga pangako mo... kung hindi na pala tayo."
"Andy... Sorry pero hindi talaga ikaw ang nilalaman ng puso ko." Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata mo. Hindi ko kaya dahil baka maiyak lang ako. Pero I was wrong, akala ko kapag umiwas ako ng tingin hindi na ako maluluha. Pero hindi eh..