Characters:
Cristine
Mark John
Juliana
Valerie
Kenneth
RonalynSimula
Bakit nga ba maraming taong hindi nakakapag-aral? Iyan ang isa sa mga pinakamalaking tanong sa ating isipan at isa sa mga problema sa ating bayan...
Unang eksena:
Cristine bilang bida
Juliana bilang ina ng bidaKakauwi lang ni Juliana at diretso siyang pumasok ng bahay. Takang-taka naman na napatingin sa kanya ang kanyang anak na nasa hapag-kainan.
"Inay? Ayos lang po ba kayo? Anong problema?" Nag-aalalang tanong ni Cristine sa kanyang ina.
Direktang tumingin si Juliana sa kanyang anak. "May malaki tayong problema, Cristine..."
Bagama't kinakabahan, nagawa pa ring magtanong ni Cristine kung anong problema. "A-Ano po?"
"Hindi ako sigurado kung... Makakapag-aral ka pa ba... Nanghihina na ang kita sa palengke, Anak... Pa-iba-iba pa ang panahon kaya kaunti lamang ang supply. At ang mga supply na iyon ay karaniwang hindi pa ganoon kasariwa... Kaya kumukonti ang demand ng mga tao." Malungkot na sabi ng kanyang ina. "H-Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, Anak... Hindi ko alam kung makakapag-aral pa kita pagdating ng kolehiyo..."
Lumungkot ang mukha ni Cristine pero nang matauhan ay ngumiti siya. Ayaw niyang ipakita sa ina niya na nahihirapan siya. Dahil alam niyang mas nahihirapan ito.
"Alam niyo po ba, Inay... Kaya ko naman pong magtrabaho na... Kaya ko pong suklian lahat ng paghihirap niyo. Lagi niyo pong tatandaan na kayo po ang pinakamatalinong guro na kilala ko. Alam niyo po lahat ng makakabuti sa akin... Kahit iniwan po kayo ni Itay noong ipinagbubuntis niyo ako ay hindi niyo po ako pinalaglag... Utang na loob ko po sa iyo ang lahat... Ang pagkain, ang pag-aaral, at higit sa lahat... Ang buhay ko."
Nag-iyakan at nag-yakapan ang dalawa. Mukhang natanggap na nga nila ang katotohan ngunit makalipas ang ilang araw...
"Cristine! Cristine! Anak!"
Nagising si Cristine dahil sa lakas ng sigaw ng boses ng Nanay niya. Narinig niya ang pagbukas-sara ng pintuan at ang mahinang pagtapik ng Nanay niya sa binti kaya napabangon ito mula sa kama.
"Ano po iyon, Inay? Bakit po ang saya niyo ata?" Natatawang tanong niya sa kanyang inay habang nag-aalis pa ng muta sa kanyang mga mata.
"Mag-apply ka ng scholarship! Alam kong makakapasa ka! Sinabi iyan sa akin ng katabi ko sa palengke! Sinabi ko kasi sa kanya na namomoblema ako..."
"Inay naman! Hindi niyo naman po kailangang problemahin iyon..."
"Pero umaasa ako. Hindi tayo mayaman kaya wala akong maipapamana sa iyo kung hindi ang edukasyon na magagamit mo."
Ngumiti si Cristine. Ayaw niyang nalulungkot ang kanyang ina. "Sige na po... Susubukan ko po."
Ngumiti ang kanyang ina. "Talaga? Salamat naman! Makakapasa ka! Alam ko!"
At tila nagdilang-anghel ang kanyang ina. Nakapasok si Cristine sa isang kilalang unibersidad sa Pampanga.
Ikalawang eksena:
Cristine bilang anak
Juliana bilang inaMadali namang nasanay si Cristine sa kanyang bagong paaralan. Kahit maraming ginagawa ay para bang sanay na sanay na siya.
At ito siya ngayon, nagsasalamin, pasimpleng sumusulyap sa Nanay niyang namomoblema sa pera.
"Wala na tayong pera pambili ng pagkain... Mangungutang nanaman ako." Napabuntong-hininga ang kanyang ina. "Anak, kuha ka na lang ng isang saging diyan. Iyan na lang ang baunin mo, ha? Bigay iyan ng katabi ko sa palengke."