LOVE.
One word, four letters. Malakas ang impact nito sa karamihan. Kailan mo nga naman ito mararamdaman? Ito ba ay mapipigilan? Hindi... hinding-hindi. Dahil kahit kailan, hindi matuturuan ang puso. Kaya kahit kailan, hinding-hindi mo mapipigilan ang kung ano man ang maramdaman mo. Hindi mo mapipili kung sino ba dapat ang itibok nito.
Hindi ako 'yung tipo ng babae na mapapalingon ka kaagad. Hindi ako kagandahan. Simple lang at hindi ako 'yung hinahanggaan. Bukod sa wala akong talent, hindi rin ako matalino. Wala-wala talaga akong maibubuga.
Kaya siguro hindi na ako nangangarap na mapansin mo'ko. Na balang araw magkaka-interes ka sa akin. Wala eh... Alam ko naman kasi na sa simula't sapul pa lang, wala na akong pagasa sa 'yo.
Masyado kasi akong naniwala sa mga libro na ang istorya ay mapapansin ng mga kagaya mo ang mga kagaya ko. Nakalimutan ko, sa libro lang pala 'yon. Na sa totoong buhay tayo.
"Chi? Ba't ka ba tingin ng tingin sa lalaking 'yan? Gusto mo rin ba sya kagaya ng pagkagusto ng ibang babae sakanya?"
"H-Huh... h-hindi ah!" Pagtanggi ko. Eto talagang bestfriend ko. Ang daming napapansin... o masyado lang akong obvious?
"Naks naman, Chi! Nagkakagusto ka na, ah! Dalagita ka na nga! Akala ko tomboy ka eh! O kaya... akala ko crush mo'ko! Diba ganoon 'yun? 'Yung bidang babae maf-fall sa lalaki nyang bestfriend?" Tanong sa akin ng bestfriend kong lalaki. Inirapan ko lang naman sya atsaka ko inalis ang pagkaka-akbay nya sa 'kin.
Ilang araw na akong ganito... Ilang araw na akong nakatitig sa 'yo mula sa malayo... Ilang araw din akong nanalangin sa Panginoon na sana mapansin mo 'ko...
"Hi crush! Ang gwapo mo talaga! Picture tayo?"
"Sheez! Pogi mo!"
Ang daming nagkakandarapa sa 'yo. Siguro, sa dinami-dami ng babaeng nagkakandarapa sa 'yo, wala ng pagasang mapansin mo pa ang isang katulad ko.
Pero... nabigla ako nung bigla kang lumapit sa akin. Nahihiya kang ngumiti at...
"Hi ate, pwedeng pa-picture?" Nakayuko ka pa. Tila ba para kang bata na namumula dahil may ginawang kahihiyian.
"H-Huh?" Pina-ulit ko ang tanong mo. Baka nabingi lang ako.
"Sabi ko, pwedeng pa-picture? Sige na..."
At hindi ko alam. Sa isang litrato lamang, magsisimula na pala ang lahat.
Naalala mo pa ba nung niligawan mo'ko? Pinayagan kita.
Naalala mo pa ba nung sinagot na kita? Ang saya-saya mo noon.
Naalala mo pa ba nung sinabi kong mahal na mahal kita?
Naalala mo pa ba nung nag-away tayo?
Naalala mo pa ba nung sinuyo mo'ko?
Naalala mo pa ba lahat?
"Oo, naalala ko pa lahat..."
Naalala mo pa ba nung niligawan mo'ko? Pinayagan kita. Kahit hindi kita gusto.
Naalala mo pa ba nung sinagot na kita? Ang saya-saya mo noon. Ngunit peke lang ang mga ngiti ko.
Naalala mo pa ba nung sinabi kong mahal na mahal kita? Nag-sinungaling ako.
Naalala mo pa ba nung nag-away tayo? Umaasa akong susukuan mo'ko.
Naalala mo pa ba nung sinuyo mo'ko? Sana sinukuan mo nalang ako.
Naalala mo pa ba lahat?
Naalala ko pa lahat... Tinitigan kita dahil inaalala ko ang litratong pinakita sa akin ng aking ina...
"Iyan... ang lalaking kailangąn mong pakasalan."
"Bakit? Bakit po?"
"Iyan ang kasunduan. Anak, sana tuparin mo. Mangako ka..."
"Pangako."
Sa dami-dami ng mga salitang lumabas sa bibig ko... Isa lang ang sigurado. Isa lang ang totoo...
"Mahal kita, Arthur. Mahal na mahal kita."
Mahal kita, bestfriend.
"Uy, Chi! Musta? Musta na kayo ni Gio? Balita ko... 2 years na kayo, ha! Stay strong, ha! Kailan ang kasal? Nga pala, ninang ka ng anak ko, ah!"
Ngumiti ako. Ang saya-saya mo, bestfriend.
Parang kailan lang, 'no? Parang kailan lang nakatingin ako sa malayo. Ang saya-saya mo pa noon dahil ka-date mo ang matagal mo nang gusto.
Parang kailan lang hinihiling ko na mapansin mo'ko. Mapansin mo ako bilang nagmamahal sa 'yo. Hindi lang bilang kaibigan mo.
Parang kailan lang....
Parang kailan lang dahil hindi ko makalimutan ang kahapon.
Sana, naipaglaban kita. Sana, inamin ko na may nararamdaman ako para sa 'yo. Kaso alam kong... Huli na ang lahat.
Huli na ang lahat dahil sa una pa lang, hindi na ako sumubok.