My Dream Guy

35 0 0
                                    

MY DREAM GUY

Kung magkakaroon man ako ng boyfriend, dapat siya ay:

1.) Gwapo
2.) Matangkad
3.) Maganda ang pangangatawan
4.) Matalino
5.) Marunong kumanta
6.) Marunong mag-gitara
7.) Maalaga
8.) Gentleman
9.) Sweet
10.) Caring

Kaya NBSB ako, eh. Parang perfect talaga ang hanap ko sa isang lalaki. Patapos na ako sa college pero ni wala man akong naka-malanding ugnayan! Pasuko na ako sa paghahanap ng dream guy ko pero...

"JESI! JESI!" Rinig kong pagtawag ni Mama. "Pumunta ka rito sa kusina!"

Pumunta naman ako sa kusina. Hawak-hawak niya ang cellphone niya habang hinihintay na maluto ang sinasaing na kanin. May kumakaway sa cellphone. May kavideo call si Mama. Sino naman kaya?

"Hi, Jesi!"

Tiningnan ko ang kavideo call ni Mama atsaka ako ngumiti.

"Kilala mo pa ba ako?"

Napaisip ako saglit atsaka ako napatingin kay Mama. Nakangiti lang naman siya sa akin.

"Si Tita Madel 'to! High school best friend ng Mama mo. Nakalimutan mo na ba ako? Sabagay... Grade 2 ka pa lang ata nang umalis kami at patungong Canada." Pagkukwento niya. "Kilala mo pa ba si Lawrenz?! 'Yung anak ko! 'Yung kalaro mo nung bata ka!"

Ngumisi ako atsaka tumango, "Opo."

Si Lawrenz na lagi akong inaasar at payatot.

"Buti pa siya naaalala mo, ano!" Tumawa sila ni Mama. "LAWRENZ! Come here!"

"What, Mom?" Rinig kong tanong ng isa. Malalim ang kanyang boses. Lalaking-lalaki talaga.

Nagpakita ang isang OH MY GOD! Ang gwapo! Muntik na akong mapanganga buti na lang at nagsalita siya kaya natauhan ako.

"Hi, Jesi! Ang ganda mo na, ah."

OMG?! ANG GANDA KO NA RAW?! Hmm...

"Dati ba panget ako?"

Tumawa siya.

"Kumusta ka na?---"

Sasagot na sana ako nang biglang nawala ang video call.

"Ay! Walang power!"

BWISIIIIIIIT! Nakita ata ni Mama ang bwisit kong mukha kaya natawa siya.

"Pupunta sila rito pagkauwi nila ng bansa. Umayos ka. Binata raw 'yung si Lawrenz..." Sabi ni Mama atsaka siya ngumisi.

BINATA SIYA? Pwes, dalaga ako! P'wede kaming dalawa!

Nang malaman ko kung kailan sila darating ay talagang nag-ayos ako ng araw na iyon.

"Mareeeee!" Bati ni Mama nang makita si Tita Madel. Lumingon ako sa katabi ni Tita Madel. Si Lawrenz na matangkad at may nakasabit na gitara sa balikat niya.

"Hi!" Agad niya akong nilapitan. Mas nahalata ko tuloy ang walang pores niyang mukha.

"Hello!" Ngumisi ako. "May gitara ka? Marunong ka?"

"Uh, yeah... May gig kami mamaya. Nood ka?"

"May gig na kayo kaagad? Kararating mo lang, ah." Natawa siya.

"May kakilala ako rito, Jesi. Manood ka, ha? Aasahan kita."

At syempre ayaw ko naman siyang mabigo kaya pinanood ko siya. At ako rin... Hindi ako nabigo. Shet! Ang ganda ng boses niya. Pansin kong may mga iba pang teenagers na kinikilig sa kanya.

"Ang galing mo!" Puri ko sa kanya nang umupo siya sa tabi ko. "Kinuha mo bang kurso ay related sa music?" Tanong ko.

Umiling siya. "Nope... Engineering ang kinuha kong kurso."

At habang nagkukwentuhan kami, napag-alaman kong isa siyang... "Wow! Cum Laude ka?!"

Tumango siya at namula ang pisngi niya. "Sipag lang talaga..."

Ngumiti ako. Pansin kong ilang siya habang tumitingin sa akin. "U-Uh, Jesi, daming nakatingin..."

"Ha?" Tanong ko nang hindi ko siya maintindihan.

"Nakalitaw ang cleavage mo... Daming nakatingin. Naiinis ako."

Nag-init ang magkabila kong pisngi. ANO? Naiinis siya? Shet! Napangisi siya nang makita ang reaksyon ko.

Sa bawat araw na dumaraan, mas lalo kaming naging close. Sobrang gaan na ng loob ko sa kanya. Hulog na hulog na ako.

"Jesi, gusto kita."

Heaven! Para akong nanalo sa lotto. 'Yung pangarap ko... Unti-unti ko nang naaabot.

"Gusto rin kita..."

Ayoko nang magpakipot pa. Gusto niya ako at gusto ko rin siya. Sa kanya ako at sa akin siya! Shet!

"Ganon? Kiss muna?"

Ngumisi ako atsaka tumango.

"JESI!"

May sumisigaw sa tenga ko. Leche! Ang sakit!

"Jesi! Gising!"

"Ha?"

Minulat ko ang mga mata ko. Iba't-ibang kulay ng ilaw ang sumalubong sa akin.

"Pumupunta ka sa bar pero nakakatulog ka naman? Sira ka."

Nilibot ko ang tingin ko. Nakita ko si Lawrenz. Inaayos niya ang tono ng gitara niya. Ang gwapo niya talaga... Ang ganda pa ng boses niya! Matalino pa... Ano pa ba nga ba? Ang perpekto niya...

"Ang ganda ng boses ni Lawrenz, 'no?" Bulong sa akin ng kaibigan ko nang magsimula nang kumanta ni Lawrenz. Sinamaan ko siya ng tingin. "Selos naman 'to! Parang girlfriend, ah? Atsaka... May boyfriend na ako, 'no! 'Wag ka nga!" Atsaka niya ako inirapan.

"Hay! Bakit ba ang gwapo niya?"

"Suplado naman." Bulong ng kaibigan ko. "Tinapon niya ang regalong binigay mo."

"Gusto niya kasi branded..."

"Kitams? Ang choosy. Siya na nga 'tong binibigyan!"

"Kapag may binibigay, tinatanggap o tinatanggihan! Ganoon 'yon!"

"Ge lang!'

Ngumuso ako. Naalala ko tuloy 'yung binili ko sa kanyang polo na hindi niya nagustuhan. Ang baduy ko raw at wala akong taste. Kung baduy ako at walang taste, bakit ko siya nagustuhan?

Tumayo kaagad ako at lumapit sa stage nang matapos na silang tumugtog.

"Lawrenz!" Nilingon niya ako. Parang awtomatiko nang kumukunot ang noo niya kapag tinitingnan ako. "Picture tayo?"

"'Yoko."

"Bakit?"

"Basta ayoko!"

Lumabas siya. Hinabol ko siya. Lagi naman akong nanghahabol sa kanya.

"Bakit ba ayaw mo?"

"Bakit ang kulit mo?!" Huminto siya at hinarap ako. "Hindi kita magugustuhan, Jesi! Hindi ikaw ang tipo ko. Maganda ka nga pero ikaw 'tong nagpapapansin. Ikaw 'tong naghahabol. Walang thrill! Walang challenge! Gusto ko nahihirapan ako. At hindi mo ako pinapahirapan... Ang dali mo lang makuha. Easy to get ka masyado. Ayoko sa 'yo. Wala akong pakealam kung masaktan ka sa mga sinasabi ko kasi iyon ang totoo."

Naramdaman ko ang luhang sunod-sunod na lumandas sa pisngi ko. Atsaka siya tumalikod sa akin at naglakad palayo. Atsaka ko pa lang napagtanto na hindi lahat ng pangarap ay maaabot mo.

I love you, My Dream Guy...

Kailangan ko na nga sigurong magising sa kahibangang ito.

One shot stories ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon