"Kapag bestfriend, bestfriend lang. Kasi kapag kaibigan, hindi dapat nagugustuhan."
"But you can't choose who you love, right?"
---
Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko alam ang gagawin... Ang hirap naman kasi neto! Mahuhulog nalang nga ako, sa bestfriend ko pa! Ang mas bad news pa don, alam kong wala syang balak na saluhin ako.
Pero di naman ako nagrereklamo, kasi ang totoong nagmamahal... walang hinihinging kapalit.
"Lori?" May nadinig akong beses mula sa labas. Boses pa lang nya, alam na alam ko na. Tumayo ako mula sa kama atsaka ko sya pinagbuksan ng pintuan. Agad naman nya akong yinakap.
"Buti naman at gising ka pa!" Masiglang sabi nya atsaka sya kaagad humiga sa kama ko.
"Hoy! Sinong may sabing pwede kang humiga sa kama ko, huh?!" Ngumisi lang naman sya atsaka nya ako hinila palapit sakanya.
Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang bilis. Nakakabaliw.
"Lori naman! Para namang hindi tayo tabi matulog noong mga bata pa tayo!" Natatawang sabi nya kaya naman natawa ako. "Nga pala, tinatamad akong pumasok bukas. Papasok ka ba?" tanong nya sa akin.
"Oo naman 'no! Sayang tuition." Pagtataray ko sakanya. "Atsaka pumasok ka nga! Sumbong kita dyan, eh." Pananakot ko sakanya. Natawa naman sya atsaka ako binatukan.
"Oo na, papasok na. Beastmode ka kaagad dyan, eh."
"Atsaka panigurado naman... madaming magtatanong sa akin kung nasaan ka! Alam mo naman, ang daming may gusto sa 'yo."
Sikat kasi sa school itong best friend ko. Paano ba naman... parang nasa kanya na ang lahat. Matangkad, Gwapo, Masculado ang katawan, Matalino, Sporty... Tapos ang angas pa ng dating. Pero sobrang bait nyan... ang swerte nga ng girlfriend nya, eh.
Oo... may girlfriend na sya. Bagay na bagay nga sila, eh. Wala akong panlaban. Sino nga ba naman ako? Isang hamak na bestfriend lang nya...
Maganda, Matangkad, Sexy, Matalino, Talented at Sikat si Nicole-- girlfriend nya. Bagay na bagay sila. Match made in heaven kumbaga.
Kumpara naman sa akin... walang maibubuga.
"Tsk, oo na! Uwi na ako, ha." Tumayo na sya.
"Ge! Ingat. Gabi na kasi saan ka pa nagpupu-punta." Masungit kong sabi sakanya atsaka na ako nag-kumot. Narinig ko naman ang tawa nya na ang sarap pakinggan atsaka ko na din narinig ang pagsara ng pintuan.
Hay... bestfriend naman. Bakit ba kasi nahulog pa ako sa 'yo?
Ilang araw na ang nakalilipas pero wala pa rin akong contact kay Drew-- ang bestfriend ko. Kinakabahan na nga ako eh. Parang kailan lang nag-uusap pa lang kami doon sa kwarto ko, ngayon... ni isang balita wala akong nababalitaan tungkol sakanya.
Ano na kayang nangyari dun?
"Uy! Lori," Lumapit sa akin ang isang kong kaklaseng babae atsaka nya ako nginitian. "Nasaan nga pala si Drew? Ilang days na syang absent, ah..." Nag-kibit-balikat lang naman ako. "Eeeh! Sabihin mo na."
"Hindi ko nga alam! Ang kulit ng pwetan mo, ah." Pantataray ko sakanya. Sumimangot naman sya. Tss! Akala mo naman kung sinong maganda. Mukha namang palaka.
"Sungit mo naman! Best friend mo sya, tapos di mo alam kung nasaan sya?"
"Kapal ng mukha mo! Alis ka nga nga dito. Nag-iinit ulo ko sa 'yo." Inirapan naman ako ng bruha atsaka na sya tumayo at umalis sa harapan ko. Buti naman!