THREE

4 0 0
                                    

"Orpahange?"

"Ou orphanage. Taon taon kasi tuwing bago magpasko nagbibigay kami ng maliit na party rito para sa mga bata."-paliwanag niya sa akin kaya tumango tango naman ako.

"Alam mo bang dito ako galing?"- sabi niya kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"Ibig sabihin...."-hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil siya na ang nagtuloy.

"Hmmm adopted child lang ako."

"N-nakilala mo ba ang tunay mong mga magulang?"

"Hindi...Baby palang kasi ako nun ng iwan nila ako rito sa ampunan, nagkataon naman na gustong magampon ng mga tinuring kong magulang ngayon. Kaya ako ang inampon nila. Iyun ang paliwang nila sa akin"- napatango tango nalang ako kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

"Lalayuan mo ba ako?"-tanong niya.

"Bakit naman kita lalayuan?"-tanong ko sa kanya.

"Kasi isa akong ampon"- sabi niya na kinangiti ko naman.

"Bakit kita lalayuan? Wala ka namang ginagawang masama sa akin. And it doesn't matter kung adopted ka lang or what. Okay? Hay naku ang drama. Tara na nga!"-sabi ko nalang. At lumabas na kami ng kotse at pumasok sa loob ng bahay ampunan. May sumalubong naman sa amin ng isang babae na may edad na mga nasa 40's

"Jino!"- tawag niya rito at lumapit sa amin. Nagmano naman si Jino kaya nakigaya na rin ako. Gaya gaya kasi ako eh. Haha. Okay ang corny.

"At sino naman ang magandang dilag na ito? Girlfriend mo?"- tanong nito at tinignan ako na may mga ngiti sa labi.

"Ah Hi---"- sasabihin ko sana na hindi kaya lang isang malaking epal ang lalaki na ito.

"Ah! Opo. Girlfriend ko po, si aww! Faye."- palihim kong siniko si Jino at ngumiti lang.

"Ayos ka lang ba Jino?"

"Hehe opo. Faye si Nanay Zen nga pala ang namamahala nitong ampunan"- sabi ni Jino.

"Nice to meet you po Nanay Zen"- sabi ko naman.

"Nice to meet you too ija. Tara na paniguradong miss na miss ka na ng mga bata Jino."-sabi ni Nanay Zen at pinuntahan namin ang mga bata na nasa may bakuran at mga naglalaro. Napansin ko rin na may mga nagaayos na ng mga tables and chairs para sa party na gaganapin maya maya.

"Kuya Jino!!!"- tawag ng mga bata na nagsisitakbuhan papunta rito sa amin.

"Kumusta kayo?"- tanong ni Jino sa mga bata habang binuhat naman niya ang isang cute na batang babae.

"Okay naman po!"- sabay sabay naman nilang sabi. Napangiti naman ako dahil sa kacutan ng mga bata.

"Kids! Eto nga pala si Ate Faye niyo. Mabait yan"- pagpapakialla sa akin ni Jino sa mga bata.

"Hello sa inyo..." bati ko sa kanilang lahat na may mga ngiti sa aking labi.

"Hello Ate Faye!"-sabay sabay ulit nilang sabi.

"Girlfriend niyo po Kuya Jino?"- tanong ng isang batang lalaki na mukhang nasa 8 yrs old na. Ke babata eh may alam na sa ganun. Tinignan ko naman ng masama si Jino. Subukan niya lang talaga sabihin na girlfriend niya ako masasapak ko na siya.

"Hindi ko siya girlfriend......"sabi niya. Buti naman. Kaya long doon ako nagkamali hindi pa pala siya tapos.


"Dahil asawa ko siya..."-sabi niya at may mga nakakalokong ngiti. Bwisit talaga tong lalaki na to.

Love On DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon