FOUR

5 0 0
                                    

"Nag-enjoy ka ba?"- tanong sa akin ni Jino habang nakaupo kami dito sa bench. Malapit ng magdilim at nagliligpit na ang mga tao ng mga kalat sa kaninang naganap na party.

"Yahh. Nag-enjoy ako, sobra. Never ko pa nagawa toh. Never pa akong nakapunta ng bahay ampunan. Never ko pa nagawa ang mga nagawa ko kanina sa mga bata. Ang saya pala noh? Ang saya na nakapagpasaya ng kapwa mo kahit sa simpleng pagtulong lang sa kanila. Ang saya makita ang mga mukha nila na masaya kahit na wala silang pamilya na nakakasama. Kaya maraming salamat Jino. Maraming salamat dahil pinaramdam mo sa akin ang saya na nararamdaman ko ngayon"-sabi ko sa kanya at nginitian siya.

"Salamat. Salamat dahil pinagkatiwalaan mo ako. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko"- seryosong sabi niya. Iniwas ko na ang tingin ko at namayani na ang katahimikan sa pagitan namin.

"Jino? Napatawad mo na ba si Joseph sa kabila ng ginawa niya sayo?"-I asked out of the blue habang diretso parin ang tingin.

"Hmm. Oo, matagal na rin naman yun. Tsaka ayaw kong nagkikimkim ng galit. Ou, ng una nagalit talaga ako sa kanya. Galit na galit. He's my bestfriend yet nagawa niya akong lokohin. Pero ano nga ba magagawa ng galit ko sa kanya. Wala namang mababago kung patuloy akong magagalit sa kanya. Nagsorry siya kaya napatawad ko siya. Ayoko rin kasi ng may kinaiinisan at iniiwasan na tao dahil sa nangyari na yun."-paliwanag niya

Huminga naman ako ng malalim at tumingin sa makulay na kalangitan dahil papalubog na ang araw.

"Sa isang araw Pasko na. Hindi mo pa rin ba sila mapapatawad?"

      Malapit na nga ang pasko pero kami galit galit pa rin. Nagkahiwalay si Sena at Joseph dahil ako ang iniisip ni Sena. Niloko nila ako at sinaktan pero hindi ko namamalayan na pati rin pala sila nahihirapan.

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Jino. "Pwede mo ba akong tulungan?"-tanong ko sa kanya.

"Ou naman. Pero para saan?"-takang tanong niya pero nginitian ko lang siya.

"Aww!"

"Ang cute mo! Kaya lalo akong naiinlove sayo eh"-sabi naman niya nagpabilis nanaman ng tibok ng puso ko.

"Bwisit na to"- at hinampas ko ang kamay saka tumayo at pumasok na sa loob ng bahay ampunan.

"Ayyiee kinilig ka noh?"

"Hindi noh"

"Ayiee"-sabi niya at tinusok tusok pa ako sa tagiliran.

"Ewan ko sayo!"

-------------

"Faye? Jino? Anong ginagawa niyo rito?" Takang tanong sa amin ni Joseph. Nandito kasi kami sa kanila para maiayos ko ang dapat kong iayos.

Nang makita ko naman si Joseph feeling ko naka moveon na ako sa kanya. Kung iisipin mo  parang ang bilis. Pero siguro mabilis nga I don't know basta parang bigla nalang naglaho ang nararamdaman ko para sa kanya.

"What's with you and Jino?"- tanong sa akin ni Joseph ng maiwan kaming dalawa.

"Anong kalaseng tanong yan Joseph. Magkaibigan lang kami ni Jino"

"Talaga lang ah"- sabi niya na may nakakalong ngiti. Napailing nalang tuloy ako.

"Joseph, sorry sa mga nagawa ko ah naging close minded ako"-paghingi ko ng paumanhin.

"Sorry rin. Kami naman talaga ang may kasalanan eh. Sorry..."

"Hahaha ang drama natin tama na nga"-sabi ko nalanga at napatawa nalang din siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love On DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon