TWO

10 0 0
                                    

"I Like you..."

Natigilan ako sa sinabi niya at gulat na nakatingin sa kanya. Nagpapatawa ba siya? Nagjojoke? O baliw siya? Sinong magsasabi niyan sa taong hindi naman niya kilala. Ni ako hindi ko siya kilala.

"Baliw ka na"-sabi ko at tumayo na mula sa swing at naglakad palayo sa kanya.

"Siguro nga baliw na talaga ako. Baliw ako kasi hanggang ngayon gusto pa rin kita. Baliw ako kasi kahit na naging kayo ni Joseph umaasa pa rin ako na balang araw ako naman ang mamahalin mo. Na ako naman ang ngingitian mo tulad ng ngiti na binibigay mo sa kanya."- napatingin ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Sino siya? Paano niya nakilala si Joseph? Paano niya nasasabi ang mga salitang yun?.

"Sino ka?"- tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Pero ngiting may kasamang lungkot. Hindi katulad ng ngiti nung nagkita kami dati.

"Jino nga pala, pwede mo rin akong tawaging Mr. Right"-napakunot noo ako sa sinabi niya.

Mr. Right?

How come? Paanong siya si Mr. Right?

"Mr. Right?"

"Hmm Mr. Right, ung tangang lalaki na nagpapadala sayo ng mga love letters magtatatlong taon na ang nakakalipas. Ang lalaking nagtatago mula sa mga sulat na binibigay sayo ni Joseph. Ako si Mr. Right, Faye. Ako at hindi si Joseph na kaibigan ko na ginago ako"

Bigla akong naguluhan sa mga sinabi niya. Paanong magiging siya si Mr. Right na laging nagbibigay sa akin ng love letters? Gayong lagi sinasabi sa akin ni Joseph eh galing ito sa kanya. At dahil daw Mr. Right ang nakalagay doon ay dahil siya daw ang Mr. Right ko.

"Lagi niyang sinasabi na galing yun sa kanya diba? Pero hindi, pinapadala ko yun sa kanya dahil alam kong schoolmate mo siya. Ang sabi niya tutulungan niya ako sayo pero iba ang nangyari. Nagpanggap siyang siya ako. Nahulog ka sa kanya naging kayo kaya hininto ko na rin ang pagpapadala ng letters sayo dahil walang patutunguhan ang ginagawa ko. Pero hindi ibig sabihin nun ay hininto ko rin ang pagmamahal ko sayo dahil patuloy kitang minamahal hanggang ngayon"

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra na tong nalaman ko na to. To think na simula palang ng magkakilala kami ni Joseph niloloko niya na ako. Sobrang sakit na nun.

"Uuwi na ako.."-sabi ko at naglakad na paalis. Ang sakit na ng ulo ko at ayoko ng magisip pa.

"Wait lang..."- habol niya sa akin.

"Para sayo..."-sabi niya at may inabot sa akin na hindi ko alam kung ano dahil madilim na rin.

"Salamat..."- walang gana kong sabi at tuluyan ng umalis.

Pagkadating ko ng bahay. Agad akong humiga sa kama at huminga ng malalim saka ako umupo at tinignan ang binigay sa akin ni Jino.

"Scrap book?"- napatawa naman ako ng makita at mabuksan ko ito. Isang lalaki gagawa ng scrap book na ganito? Kakaiba...

Tinignan ko ang laman nito at may mga pictures na nakalagay at may mga nakasulat binasa ko ito isa isa.

'This was the first time I saw you. I was taking pictures that time when I saw you with your friend. I was captive by your beautiful smile so I take a picture of you.'

Iyan ang nakalagay at kasunod nito ang litrato ko na nakangiti. Pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa scrap book.

'This was the second time that I saw you. I saw you from the outside so I decided to enter the cafe. I want to talk to you but I don't have the guts. So I just watch you from afar and take some pictures of you'

Napangiti naman ako habang binabasa ito at tinitignan ang mga stolen pictures ko.

Pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa scrap book at masasabi ko lang na. Sobrang effort ang ginawa ng lalaking yun. Bilang nalang siguro ang gagawa ng ganito sa mga lalaki dahil wala silang pasensya sa mga ganitong bagay.

"Baliw ka ngang talaga Jino..."- nasabi ko nalang ng matapos ko tignan lahat ng nakalagay sa scrapbook. Itinabi ko na ito at natulog na.

-------

"Anak!...Anak!"

"Ma naman...makatawag wagas? Bakit po ba?"- tanong ko kay Mama na nakapasok na rito sa kwarto ko. Alam niyo ung maganda na ung part na pinapanood niyong Kdrama tapos may tatawag sayo. Panira eh. Hahaha.

"May naghahanap na gwapong lalaki sayo sa labas"

"Sino namam daw po?"

"Jino daw"

      Bigla akong napatayo sa kama ko ng marinig ko ang sinabi ni Mama. I don't know pero parang bigla ako nakaramdam ng excitement. Pero wait paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

     Tinignan ko muna ang itsura ko sa salamin kung okay ba itsura ko saka ako lumabas at nakita siya sa may sala at nakaupo.

"Jino..."-tawag ko sa kanya. Napatingin naman ito sa akin at ngumiti.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Tara!!!"-sabi niya at hinatak ako papalabas ng pigilan ko siya.

"Wait lang! Excited? Makahatak wagas? Close ba tayo?"- dirediretso kong sabi. Napatigil naman siya at tinignan ako.

"Bakit?"-tanong naman niya.

"Haler, papalabasin mo ako ng ganito ang suot? Tsaka saan ba tayo pupunta?"- sabi ko at tinignan naman niya ang suot ko at napangiti nalang. Paano ba naman nakawhite t-shirt at shorts lang ako na spongebob pa ang design.

"Sige na magbihis ka na muna. And it's a secret"-sabi niya at kinindatan pa ako.

"Tsk secret pa. Baka may gawin ka sa aking masama ah"- sabi ko at tumawa naman siya ng mahina.

"Crazy...Unless...................you beg for it."- then he smirk at me.

'Huh? Unless I beg for it? WTF!'

"As if!"- sabi ko at umakyat na ng kwarto ko para makapagpalit ng damit at makapagayos.

---------

"Medyo malayo na ata nalalakbay natin Jino. Saan ba talaga tayo pupunta?"- tanong ko sa kanya habang tinitignan tignan ko kung anong lugar na ito habang prente pa ring nakaupo dito sa loob ng kotse niya. Ou kotse niya richkid pala eh.

"Malalaman mo rin..."- tanging sabi niya at natahimik na ulit ang byahe namin.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa 'secret place na sinasabi niya'

'What are we going to do with this place?'

"Orphanage?"

Love On DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon