Chptr6:Welcome to Fremont High.

2 0 0
                                    

Michille Torres

Ito na ang araw na lilipat ako sa Fremont High kung saan nagsamasama ang lahat ng mga elite students, makakaya ko kaya to?lord please help me.
Nag alarm ako ng 4:30 syempre medyo exited e.
Pagkaligo ko dumiritso na ako kaagad sa Fremont High, naglakad lang ako kasi medyo maaga pa naman tsaka dagdag exercise din at para tipid syempre.

Pagkapasok ko na pagkapasok sa loob ng university, halos mapanganga ako sa laki nito,unang sasalubong sayo ang napakalaking field na pinaikotan ng mataas ng building and I think ito ang school.
Dumaan ako sa paikot na hallway papuntang Administrative Office dun daw kasi muna ako pumunta para malaman kung anong section ako,hindi naman ako nahirapan na hanapin ang office dahil kahit papaano naturo na sakin ng dady ni faith ang daan papuntang mga office,wala pa akong masyadong estudyanteng nakikita medyo maaga pa kasi.

Pagkapasok ko sa admin,binati kaagad ako ng babae,siguro secretary siya dito may binigay siya saking papel na pifillupon.
Pagkatapos kong sulatan ang ka ekekan ng mga ito,may binigay saking card na may nakalagay na A-16  ito siguro yung magiging room number ko.

Hanap.Hanap.Hanap.saan ba kasi itong section na ito.

***
7:00 am at naandito parin ako sa labas,bakit ba kasi sobrang hirap hanapin ng room ko?marami narin akong nakikita na mga studyanteng pumapasok,magtatanong nga sana ako sa kanila kung alam ba nila ang room ko,kaso lalapitan ko palang sila....ang sama na kaagad ng titig nila sakin!gosh ano bang nagawa ko sa kanila.?

"Mich?"Halos mapatalon naman ako sa kaba ng may biglang humawak sa balikat ko...."Tito! Salamat naman at nakita ko kayo."kapag sineswerte ka nga naman,nakita ko ang dady ni faith,remember?dito siya nag tatrabaho......"Oh!alam ko na,hangang ngayon ba hindi mo parin makita yung room mo?"Tanong ni tito sakin.
"Ahh.Ehh.Opo e,hihihi!pwede niyo po ba akong samahan"sabay pout para mas effective ang pagpapaawa ko."Ano bang room # mo ija?"Tanong ulit ni Tito at nagsimula naman na kaming mag lakad..."A-16 po"sagot ko.

"Wow!transferee ka pero,sa A-16 ang room mo?tama nga si faith ng pagkakadescribe sayo,na matalino ka nga talaga."ayy grabe naman tong si Tito.hihihi

"Ahh hindi naman po tito,hihihi!baka po nagkataon lang hihihi"masyado naman akong pinupuri nito ni tito e..

***
"So ito na ang room mo!"shocks bakit parang kinakakabahan ako?siguro dahil first day?ay este first day dito sa school nato.hingang malalim mich kaya mo yan....

"Thank you po Tito ha!"after nun umalis na siya.
Naiwan akong nakatitig sa saradong pintuan ng room a-16 sa kadahilanang hindi ko magalaw ang mga binti ko,siguro dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Pero kahit na ayaw ng utak kong buksan ang pinto,kabaliktaran yun ng kamay ko....0_0 tumambad sakin ang mga seryosong muka ng mga magiging  classmates ko....gosh nakakatakot naman dito,creepy.

Im YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon