Prologue

39 0 0
                                    

Likas sa isang tao ang magkaroon ng Diyos -isang pinaniniwalaang makapangyarihan na maaring makapagbigay ng satispaksyon sa buhay... Makapagbibigay ng mailap na kaligayahan, makapagpapadama ng sarap at nakapagbibigay ng minimithi ng puso at isipan. Ang iba ay nakakatagpo ng Diyos na totoo, ngunit marami ang nalilinlang ng mga mapag-panggap. Balatgayo - nagbibigay ngunit naghihintay ng kapalit, nangaaliw habang may napipighati.

Sino nga ba ang Diyos na dapat paglingkuran? Sino nga ba ang totoong naniniwala sa tunay na Diyos?

Si Hannah... Si Janus... Si Franco... Si Fallujah... Si Eman... Ibat't ibang tao, iba't iba ang paniniwala, ang relihiyon, ang mga pinaninindigan-ngunit sa puso nila, alam nila na tama ang kanilang paniniwala... Na tama ang kanilang "DIYOS".

Banal na Aso Santong KabayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon