Ikalawa

20 0 0
                                    

Ikalawa

Linggo ng umaga. Sa pagtunog na kampana bandang alas-kwatro ng madaling araw, bumangon mula sa pagkakatulog si Janus - hudyat iyon para sa kanya na magsisimula ang isang mahabang araw ng paglilingkod sa altar. Masaya siya sa pagiging Sakristan Mayor sa kanilang parokya. Maraming mga tao ang natutuwa sa kanyang gawain sa loob ng simbahan.

Pinalaki si Janus ng kanyang mga magulang sa ganitong paniniwala. Tuwing sasapit ang alas-sais ay nagdarasal, sa pagtungtong ng alas-dose at alas-tres, nagdarasal. Maraming kabisadong dasal si Janus, sa dialekto man o sa wikang Latin, alam nya ang mga dasal.

Pagbangon sa kama, dumiretso sa paliligo ang binata. Nakagayak na ang kanyang isusuot sa misa na pangungunahan ng obispo sa ganap na alas-singko ng umaga. Nilinis ng mabuti ang sarili, waring sinasabi sa sarili na dapat siya ay maging malinis dahil siya ay maglilingkod sa "Diyos".

Habang isinusuot ang panloob na damit, nagising si Michael.

"Anong oras na ba?" tanong ni Michael kay Janus

"Alas kwatro y medya pa lang." nakapantalon na si Janus at hinahanap ang medyas na itim sa isang drawer.

"Maaga pa pala, mamaya na ako babangon" waring iniinis si Janus at ngumiti, "Ayos lang ba iyon?"

"Bahala ka sa buhay mo, basta ako, pupunta na ako ng simbahan at magseserve pa ako ngayon. Ayokong mahuli at misa ng obispo ngayon." Dalidaling kinuha ni Janus ang kanyang kasulyang puti, "I-lock mo na lang ang bahay kung aalis ka, may kaunting barya riyan sa may kabinet, pamasahe mo mamaya."

"Sige, ingat ka. Ipagdasal mo na lang din ako."

"Sige na at aalis na ako."

Muling bumalik sa pagtulog si Michael, umalis naman si Janus, dala ang kanyang mga gagamitin sa misa.

Banal na Aso Santong KabayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon