Ika-lima
Habang paalis ang magkaibigan sa parke ng eskwelahan ay lingid sa kanilang kaalaman ay lihim na nakikinag sa kanilang usapan si Eman.
Bata pa lamang si Eman ay gustong-gusto na niya si Hannah, inaabangan niya sa buong buhay niya na makatungtong sa edad na dise-otso si Hannah upang ito ay kanyang maligawan – maipag-tapat sa dalaginding ang kanyang nararamdaman para dito.
Sa kagustuhan niya na mapalapit sa kanyang sinisinta, sinuway ni Eman ang kagustuhan ng kanyang mga magulang – ang magpalit ng paniniwalang relihiyon – kahit na sa paulit-ulit na pangungutya sa kanya ng sariling pamilya at mga kamag-anak, patuloy na umaatend si Eman ng mga church services, prayer meeting, youth gathering, bible study at iba pa upang makasama lamang ang minamahal kahit sa kaunting oras lamang.
Hindi rin itinuloy ni Eman ang gustong kurso sa kanya ng kaniyang mga magulang upang makapag-enroll sa kolehiyo na pinapasukan ni Hannah. Pinag-aralan niyang mabuti ang mga gusto at ayaw ng dalaginding at palaging nagpapakitang gilas ang binata upang mapansin ng babae, ngunit hanggang ngayon siya ay nabigo. Kaibigan lamang talaga ang turing sa kanya ng kanyang minamahal, at waring isang himala ang kaniyang kailangan upang makamit ang kaniyang kagustuhan.
Kung itsura ang pag-babasehan, magandang lalaki si Eman, nasa katamtaman ang taas, brusko ang pangangatawan, bilog ang kanyang mga mata at parang nangungusap kung tumitig. Maraming babae ang nagkakandarapa upang maging kasintahan si Eman, ngunit sila rin ay bigo – bigo sa kanilang mga minimithi. Waring nakagapos ang puso ni Eman kay Hannah at tanging kamatayan lamang ang makapagpapalaya dito.
“Kailagan kong makumbinsi si Franco na sumama upang matuwa sa akin si Hannah, sigurado naman ako na walang pakialam iyon kay Hannah kaya bale wala lang din kung mapipilit ko siya sa pag-dalo.” Napangiti si Eman habang iniisip ang kanyang gagawin, “Siguradong mapapansin na niya ako kapag sinabi sa kanya ni Franco na hindi ito interesado sa kanya, at sa akin na matutuon ang pag-tingin ni Hannah dahil sa kabila ng lahat, ginagawa ko ang lahat upang mapasaya siya.”
BINABASA MO ANG
Banal na Aso Santong Kabayo
Teen FictionSi Hannah... Si Janus... Si Franco... Si Fallujah... Si Eman... Ibat't ibang tao, iba't iba ang paniniwala, ang relihiyon, ang mga pinaninindigan-ngunit sa puso nila, alam nila na tama ang kanilang paniniwala... Na tama ang kanilang "DIYOS".