IKA-APAT
“Pupunta kaya siya sa debut ko?”, waring nag-aalalang sambit ni Hannah sa kaibigang si Martha.
“Oo naman, sigurado iyon, kung hindi eh hindi sana niya kinuha ang imbitasyon na binigay mo sa kanya nung isang araw,”, sambit ni Martha habang isinasara ang librong binabasa, “saka libre kain din yun kaya wag kang mag-alala at sisipot iyon.”
“Mahirap nang umasa minsan friend, ilang beses ko na rin siyang iniimbitahan sa church pero di sya pumupunta”, malungkot na sabad ni Hannah sa kaibigan, “Palagi niyang sinasabi na busy sya.”
“Problema ba yun?”, nakangiting tugon ni Martha sa kaibigan at bahagyang tinapik ang balikat ni Hannah, “Hangga’t maaga eh palitan na natin siya at marami naman dyan na magkakandarapa na sumali sa cotillion mo.”
“Iba pa rin kung si Franco ang isa sa mga sasali, inimbitahan ko si pastor Joey sa birthday ko, sigurado na maliliwanagan iyon at makukumbinsi na sumali sa youth group namin.”
“Bakit ba gusting-gusto mo na makasama sa church si Franco?”, bahagyang ngumiti si Martha na waring may ibig ipahiwatig kay Hannah.
“Nako, mag-tigil ka nga sa iniisip mo na ‘yan at mali.”
“Kilala kita friend, umamin ka na kasi.” Patuksong sagot ni Martha sa kaibigan
“Bahala ka nga dyan! Uuwi na lang muna ako at hindi naman kita makausap ng maayos.” Padabog na umalis sa bench na inuupuan si Hannah.
“Si friend di na mabiro.” Pahabol na tumayo si Martha upang maabutan ang kaibigan na nagwalk-out sa kanilang usapan.
BINABASA MO ANG
Banal na Aso Santong Kabayo
Teen FictionSi Hannah... Si Janus... Si Franco... Si Fallujah... Si Eman... Ibat't ibang tao, iba't iba ang paniniwala, ang relihiyon, ang mga pinaninindigan-ngunit sa puso nila, alam nila na tama ang kanilang paniniwala... Na tama ang kanilang "DIYOS".