Una

26 0 0
                                    

UNA

Linggo ng umaga. Tulad ng dati, maagang gumigising ang mag-anak na Quintana - naghahanda upang magsimba. Nagluluto ang mga kasambahay, bukas ang component sa sala habang tumutugtog ang mga "worship songs". Sa kusina ay matyagang nagluluto si Bebe, habang si Tina ay nag gagayak ng lamesa na pagkakainan ng mag-anak.

"Malapit na ang ika-labing walong taon na kaarawan ni Hannah" biglang sabad ni Tina habang pinupunasan ang mga kubyertos na kailangang gamitin sa almusal ng kanyang mga amo, "Sabi ni ate, kasama daw tayo sa party."

"Hindi ko nga alam ang isusuot ko sa party, syempre gusto ko na maganda ako dun at baka may mayaman na kaibigan si Hannah, eh, mapansin ako at mahango ako dito sa pagiging muchacha." sagot ni Bebe habang pinipirito ang omelet.

"Mabuti ka nga eh, pinag-aaral ka ni Madam Pauline, siguradong makakaahon ka sa hirap" banggit ni Tina habang naglalakad palabas ng kusina upang dalhin ang mga kubyertos, "di tulad ko, sabi kasi ni Madam sayang ang pera kapag ako ang pinag-aral, bobo daw kasi ako."

"Nako, hindi totoo iyan ateng", pahiyaw na sapna ni Bebe upang marining ng kaibigan na nasa may lamesa. "Pero talagang gusto ko na maganda ang isusuot ko sa party ni Hannah, para hindi naman nakakahiya, siguradong bongga yung party na iyon at nag-iisang anak siya." hinango ang omelet at ipinalit ang bacon strips sa kawali, "Isa pa, sabi ni ate, bisita tayo dun at hindi tayo ang magsisilbi dahil sa hotel iyon gaganapin."

Masayang nagtawanan ang magkaibigan, ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay tahimik na nakikinig si Madam Pauline sa kanilang munting usapan.

Banal na Aso Santong KabayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon