Ikatlo

15 0 0
                                    

IKATLO

Linggo ng umaga. Kagaya iyon ng mga karaniwang araw para kay Franco, isang estudyante sa kolehiyo.

Ang kursong kanyang kinukuha ay kurso ng Edukasyon, ninais niyang maging guro dahil sa isang dahilan - sa paghahanap ng katotohanan - kung totoo ba ang Diyos o kathang isip lamang. Pinaniniwalaan nya na sa pamamagitan ng pag-sasaliksik at pagdadalubhasa sa edukasyon, mapapatunayan nya sa sarili ang katotohanan.

Sa ngayon, dahil sa kanyang mga agam-agam sa buhay, naniniwala siya na ang diyos ay base lamang sa kathang-isip ng bawat tao. Para sa kanya, ang maniwala sa isang makapangyarihan ay para lamang sa mahihina ang loob – isang panloloko sa sarili upang maisakatuparan ang mga pangarap.

Maagang gumigising si Franco kung linggo, ginagawa niya ito upang magamit ang isang buong araw upang makapagtrabaho upang masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Habang nagkakape, pilit niyang iniintidi ang isang babasahin na mula sa isang kaibigan, sa kanyang kaklase na nagpupumilit sa kanya na umattend ng isang youth gathering sa isang simbahan.

“Isang pag-aaksaya lamang ito ng oras, dapat ay kumilos na ako at baka may mauna na makakuha ng mga basura sa mall.” Mungkahi ni Franco sa kanyang sarili habang inuubos ang kape sa kanyang tasa.

Umalis si Franco sa bahay bandang alas-kwatro ng medaling araw. Mabagal siyang naglalakad sa daan nang may masalubong siya sa daan na isang lalaki na patungo sa simbahan na kanina pa ay tumutunog ang kampana.

Banal na Aso Santong KabayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon