Chapter one: hello?

30 0 0
                                        

Habang naglalakad naupo ako sa isang beach na nakita ko, pilit kong inaalis ang mga problema na pilit pumapasok sa isip ko. Ayoko maalala yun ang gusto ko lang ma-enjoy ang oras na ito dahil dito lang ako kumukuha ng lakas sa lugar na ito lang ako kumukuha ng lakas.

Huminga ako ng malalim at lumingon sa paligid may nakita akong dalawang batang naglalaro ng saranggola.

" hoy Martin tulungan mo nga ako paliparin itong saranggola ko " sabi ng batang babae

" ayoko nga ikaw na lang May" sabi naman ng batang lalaki at sabay talikod

" ano ba yan Martin eh"

Biglang sumigaw ang batang babae at umiyak ang cute naman nilang tignan sa totoo lang nakita kong bumalik ang batang lalaki at pinatahan ang kasama niyang bata at sabay silang umalis sa paningin ko.

Naalala ko bigla nung bata pa ko siguro 15 years ago oo matagal ng nanyari pero maliwanag pa rin sa alaala ko ang mga  nanyari.

Same place, same time panahon din ng saranggola.

flashback:

" Edward tara laro tayo paliparin natin itong saranggola na bigay ni Daddy sa akin"

" osige tara dun tayo sa park"

Nagtakbuhan kami ni Edward papunta sa park at sabay namin pinalipad ang saranggola. Masaya ang mga panahon na yun wala kami ginawa ni Edward kundi maglaro.

" Joyce paglaki natin gusto ko ikaw ang magiging asawa ko ahh walang pwedeng maging asawa mo kundi ako lang"

" asawa bata pa tayo ahhh?"

" wala naman ako sinabing ngayon paglumaki na tayo dun tayo magpapakasal ahh"

" oo ba sayo ako magpapakasal"

End of flashback

Lumipas ang isang taon napilitan lumipat ng bahay sila Edward sa Manila wala ako magawa ng panahon na yun pero isa lang ang sinabi niya sa akin bago sila umalis 'Joyce hahanapin kita ok nagpromise tayo sa isa't isa tutuparin ko yun' at ayon lumalis na sila.

Hindi na kami nagkita after nun pero kumapit pa rin ako sa mga salitang sinabi niya sa akin alam ko mukha akong tanga dahil dun pero hindi ko na inisip yun dahil masaya naman ako.

Hanggang isang araw nakita ko siya ganon pa rin ang itsura niya walang pinagbago mas lalo siyang naging gwapo at ang lalaki ng kanyang katawan pero kilala na siya ngayon marami ng babae ang lumalapit sa kanya ano ba magagawa ko ang taong mahal ko ay isa ng sikat na singer.

Oo singer na siya ngayon alam ko maganda ang boses ni Edward dahil noong bata pa kami lagi niya ako kinakantahan at sa school namin noon kumakanta siya noon sa akin lang siya kumakanta ngayon kumakanta na siya sa maraming babae and it makes me sad.

Habang naka upo sa beach isang batang lalaki ang lumapit sa akin.

" ate pwede mo po ba ako tulungan paliparin ito?"

tumango na lang ako at tinulungan siyang paliparin ang saranggola niya habang nasa himpapawid ang saranggola niya agad naman nagtanong sa akin ang batang lalaki.

" ate ano po pangalan nyo?"

" Ako? ako pala si ate Joyce eh ikaw ano pangalan mo?"

" Robert po, ate bakit po ang lungkot mo kanina?"

" wala may iniisip lang ako"

Habang tinulungan ko siya sa saranggola niya napalingon ako sa paligid ko kami lang pala ng batang ito ang ang andito sa park na ito natakot ako baka anong manyari dito.

RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon