"Hoy idiot bakit ang tahimik mo jan?"
Nilapitan ko si Stephen at umupo na sa seat ko.
"Ha? Ah wala."
"Ang weird mo talaga. Want some cupcakes?"
"Ayoko!"
"Bakit ka galit? Inaalok ka lang eh. Che."
"Sorry. Hindi ko naman sinadyang magalit."
"Hmm oo na. Ano bang problema mo ha?"
"Huh? W-wala."
"Osige. Sabi mo eh." I shrugged.
Ano ba yan. Bakit parang wala siya sa sarili?
RRRRIIIINGGGGGGG!!!
"Good morning class." Ms. J said.
"Good morning din po ma'am" Sabay namin lahat na sinabi.
"May bago nga pala kayong classmate today. Actually, hindi na siya bago. Transferee lang ulit galing Canada."
May bago ulit na classmate? Sino kaya siya?
May biglang pumasok ng classroom.
Ang ganda niya.
Mahaba yung hair, maputi, matangos ang ilong, maganda and sexy.
"Class, this is Angela Quizon. Your new classmate."
Angela? That's a nice name.
WAIT.
Diba siya yung ex ni Stephen?
"Hi I'm Angela, a pleasure to meet you guys." She waved.
"Angela, you may sit at the vacant chair beside Mr. Delos Santos." Tinuro ni ma'am yung upuan sa right ni Stephen.
"Hi Stephen."
"Ha? Ah. Uhm hi."
"Mukhang magkaklase tayo ah. Just like the old times."
"Yeah, pansin ko nga."
Teka. Bakit ba ko nakikinig sa usapan nila?
Baka isipin nila na chismosa ako.
Pero interested akong makinig sakanila.
Pasensya na po Lord kung magiging chismosa ako ngayon.
"So, kamusta ka na Stephen?"
"Ayos lang."
"Stephen, alam mo namang mahal pa din kita diba?"
"Matagal na yun. Past is past. Kalimutan na natin yun."
"Mahal kita Stephen."
Nako, ayan na. Muling ibalik na ba ito?
"Hindi na kita mahal."
Ohmygash.
"Alam ko mahal mo pa ko. I came back for you... for us."
Kaloka ang drama parang pelikula.
"Pwede ba? I said, hindi na kita mahal."
Aba, ang taray parang movie nga. Penge popcorn please.
"But why?"
"Iniwan mo ko. You knew that I gave you everything. Pero ano? Iniwan mo lang ako Angela."
"Stephen please."
Shyeeet. Kaloka. Ano to Cinema1? HBO? #DRAMA
"Wala ka ng babalikan pa."
"Wag mo to gawin sakin."
Teleserye naman ngayon? #SOBRANGDRAMA
"Ano ba gusto mong gawin ko Stephen?"
"Wala."
Awwww.
Ang hard. Lutong. Crispy. Sapul. Wasak.
"May iba ka na bang mahal?"
"Wala ka ng pakialam."
"So meron nga?"
Meron nga ba Stephen? Ay teka bakit nakikisali ako?
"Ano naman kung meron?"
"Hindi pwede. Akin ka lang."
"Walang sayo Angela."
#SUPERDUPERCALIFRAGILISTICDRAMANESSTIMES100 Kaloka na talaga ituuu. Jusko!
"What's her name?"
"Why? So you can hunt her down? Grow up Angela."
"Please Stephen. Just give me a chance."
"Ano ba? Andito tayo para mag-aral. So please don't disturb me."
Wow naman. Yeeees nag-aaral pala siya.
Di tuloy ako nakinig sa lesson dahil sa dalawang to.
Mahina lang naman boses nila. Kaso naririnig ko pa din dahil katabi ko lang din si Stephen.
Bali ganito ang seating arrangement.
Me-Stephen-Angela. Kaya naririnig ko mga pinagsasabi nila.
Pero bakit sinabi niya na hindi niya na mahal si Angela?
Akala ko ba plano niyang makipagbalikan?
Isa ba to sa mga plans niya?
Pero ito yung deal namin diba?
Pag selosin at bumalik sakanya si Angela.
Pero mukhang seryoso si Stephen kanina.
Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang balak niya.
Not that I care, pero alam naman natin na nakipagdeal ako sakanya diba?
Stephen's POV
-Nag ring na yung bell for lunch time-
"Tara Jasmin." Tumayo ako and grabbed her hand.
"H-ha? Ano bang ginagawa mo? Don't touch me, stupid!"
"Lunch na nga diba? So tara na sabi."
"Eh ayoko nga sumama sayo eh!!"
"Sasama ka or ikikiss kita?"
Nakita ko na nagulat siya pero nagblush siya.
Ang cute talaga niya.
"O ano? Mag rereklamo ka pa or kakain na tayo?"
"Do I have a choice?" She rolled her eyes.
heyo! how was it? funny? interesting? tell me! i demand you!
just kidding :)
so i was thinking if you guys could vote + comment? :) purty please? but it's your choice though :>
send me your awesmazing feedbacks!
positive/negative feedback would do. :)
yours truly,
dem :)
BINABASA MO ANG
Perfect Love?
RomanceLove means that you accept a person with all their failures, stupidities, ugly points, and nontheless you see PERFECTION in IMPERFECTION itself. Meron ba talagang perfect love? Ang alam ko kasi si Lord lang nakakapagbigay ng PERFECT LOVE eh. Pero...