Hay nakakapagod talaga tong araw na to walang ginawa yang Stephen na yan kung hindi bwisitin ako magdamag!
Buti nalang umuwi na ko agad kesa naman makipag bonding pa sakanila edi makikita ko nanaman yung mukha ni Stephen dun. WAG NALANG NO THANKS!
Btw, di pa pala ako masyado nagintroduce ng sarili ko nh?
Nakalimutan ko ata eh ang dami na kasing nangyari sa araw na to.
Ako nga pala si Jasmin Trinidad.
Ang pagbasa ng Jasmin ko iba hindi siya 'J' mismo 'H' siya so parang Hasmin pero J nga lang yung unang letter.
HAHA labo ko ba? basta gets niyo naman yan eh.
17 years old na ko half-spanish, half-fil. mom ko yung Spanish tapos yung dad ko naman yung Fiilipino.
May mas matanda pa kong kapatid, si kuya Nate, 22 years old na siya.
Minsan umuuwi siya dun sa village pero mas madalas sa boarding house siya malapit sa school niya tumitira para hindi hassle pag papasok siya,
Yung parents ko sa Spain nagwowork, may business kasi kami dun, actually hotel yun kaya hindi nila maiwan iwan.
Dito ako sa Pilipinas pinalaki tapos nung 3 years old ako dun na kami sa Spain tumira dun na din ako nagaral, yun yung kwento sakin ng mommy ko.
Kasama ko sa bahay si Kim, wala din kasi yung mom niya dito eh kaya ayun dun nalang din siya sa village tumitira.
May maid kami si manang Louisa, mabait yun kasi simula bata siya na nagaalaga sakin.
Pinasama siya sakin ni mommy dito sa Pilipinas para may magbantay samin, filipino din si manang Louisa.
Syempre hindi hahayaan ni daddy na maglakad kami or mag commute kaya pinadala niya din si kuya Eddie.
O ayan ang dami ko na nakwento about sa life ko. :>
Nabored ako so nagcheck nalang ako ng phone ko, baka kasi may nagtext or something.
Pag open ko ng phone may message ako.
From : 0923....
Hoy Jasmin!
Aba sino nanaman to? Replyan ko nga.
To : 0923....
Who's this?
*beeep beeep*
Fr: 0923...
Sino pa ba edi si Stephen!
STEPHEN?! SIYA NANAMAN?!
Iniwasan ko na ngang sumama sakanila kanina eh tapos ngayon sa text naman ako guguluhin nitong lalaki na to.
At teka nga pano niya nakuha number ko?
To : Stephen Idiot
Hoy ikaw pano mo nakuha yung number ko?
*beeep beeep*
Fr : Stephen Idiot
Sa kaibigan mo.
*beeep beeep*
To : Stephen Idiot
Kay Kim?
*beeep beeep*
Fr : Stephen Idiot
Ah oo! Kim nga pala ng pangalan niya. Hehe.
To : Stephen Idiot
Anak ng! Bakit niya binigay! Humanda talaga sakin yun. At ano nanaman ha?! Guguluhin mo nanaman ako? Bahala ka jan! GOODBYE MATUTULOG NA KO!
In-off ko na yung phone ko para walang istorbo tapos nahiga na ko sa kama. Unti unti akong nakatulog.
BINABASA MO ANG
Perfect Love?
RomanceLove means that you accept a person with all their failures, stupidities, ugly points, and nontheless you see PERFECTION in IMPERFECTION itself. Meron ba talagang perfect love? Ang alam ko kasi si Lord lang nakakapagbigay ng PERFECT LOVE eh. Pero...