Nag ring na yung bell so ibig sabihin tapos na yung break.
Bumalik na kami sa room para sa tatlo pang subjects na natitira bago mag lunch.
Ibig sabihin din, tatlong oras ko pa makakatabi tong mokong na to.
Computer ang next subject namin so dun kami sa computer lab.
Kagaya ng seating arrangement sa classroom ang arrangement dito sa computer lab.
So ibig sabihin hanggan dito katabi ko pa din siya. SWERTE NOH?
Walang namang pinagawa samin yung teacher kaya parang free time yung period na to. Kaya pwede maginternet.
Etong katabi ko naman walang sawa sa kakalaro may sound effects pa habang naglalaro siya.
"Ano naman tinitingin tingin mo jan ha?"
"Ano ba yung nilalaro mo?" Ang ayos ng pagkasabi ko ang sweet pa ng tone ng voice ko.
"Eh ano bang pakialam mo?!"
Okay, wala talaga siyang kwenta.
"Sumagot ka na lang dami mo pang satsat jan eh."
"Dota."
DOTA?! ANONG LARO YUN?!
Ang corny naman ng pangalan ng game parang pangalan ng tiyanak.
Wtf? Muhkang weird yung game kaya di ko na tinignan.
Natapos yung Computer class namin.
Next subject namin Science-Physics so 2 hours yun.
Ang masaklap pa dun katabi ko tong si Stephen. 2 hours ko siyang katabi para sa subject na to.
WOW! 'masaklap' ang lalim na ng mga terms ko! oh diba? HAHAHA!
Kahit papano pala nageevolve yung mga salita ko pag naiinis ako lumalabas ang pagkatalino ko sa mga words.
Habang nagdidiscuss yung teacher bigla akong kinausap ni Stephen.
"Hoy di ko pa nakakalimutan yung ginawa mong pag iinsulto sakin ah. Wag ka magalala mamayang lunch break humanda ka."
ANO?! Naalala pa niya yun?
Anong gagawin niya sakin?!
Akala ko ok na lahat eh! Hindi pa pala!
Wala naman akong ginawa ah?
Kasalanan ko ba na nakakatawa yung screen name niya?
Eh sino ba kasing tanga maglalagay ng ganun noh.
Grabe bat ba ko natatakot?!!
"Hoy lalake ANO BANG GINAWA KO SAYO HA?!!"
"Ms.Trinidad and Mr.delos Santos! KEEP QUIET YOU'RE DISTURBING THE CLASS!"
Uhm okay napalakas ata yung sabi ko sakanya.
Eh pano ba naman kasi nakakainis na siya noh!
Kala mo naman ang laki ng kasalanan na ginawa ko.
Ang babaw niya!!
Yan tuloy napagalitan ako ng teacher dahil sa panget na mokong na to.
"Ang lalakas ng boses mo eh magkatabi lang naman tayo. Para kang speaker eh."
"AKO?! SPEAKER?!!!!" napatingin yung buong klase samin.
"JASMIN AND STEPHEN GO TO THE PRINCIPAL'S OFFICE!! NOW!"
Grabe first day na first day pinapunta na ko agad sa office.
Bad impression tuloy ako dahil sa lalake na to!
"Ayan tuloy napalabas tayo dahil sa lakas ng bunganga mo! Speaker kasi yang bibig mo eh di matigil tigil sa kakasigaw."
"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" ako pa ngayon ang may kasalanan. Ayos din to ah!
"Wag ka ngang sumigaw magkatabi lang tayo noh."
Onga naman magkatabi lang kami. Pero nakakainit ng dugo tong lalake na to eh.
Lahat ng gawin niya naiinis ako ang sarap sipain yung ano niya eh!
Alam niyo na yung ehem ng lalake. ^_^v *OOOPSIE! RATED SPG.*
Okay andito na kami sa principal's office.
"Oh you two what are you doing here? May nangyari ba sainyong dalawa?" tanong ng principal.
Grabe naman yung pagkasabi niya.
'May nangyari ba sainyong dalawa?' Grabe parang nakipagtoooooot ako sakanya ah.
Bat ganyan yung pagkatanong?
Pwede namang 'May gulo ba kayong ginawa?' Pwede namang ganon ah.
Susmariyosep naman oh!
"Eto po kasing si Jasmin napakaingay. Ang lakas ng boses sa klase kaya nagalit yung teacher namin."
"Eh pano po kasi tong si Stephen ang sama sama! Sinabihan ba naman akong SPEAKER?! Sino naman hindi maiinis dun!!"
"Hay na ko kayo talagang mga bata oh. Ang liit na bagay pinagaawayan pa. Kung ako sainyo makinig nalang kayo mabuti sa klase para hindi kayo napapagalitan. O sige ganito nalang hindi ko kayo isususpend dahil first time lang naman ni Ms.Trinidad mapababa sa office. Warning nalang muna yan para sainyong dalawa."
So si Stephen hindi ito yung first time niyang mapababa sa office?
Siguro madalas siya makipagaway kaya napapababa siya dito.
"Thank you po ma'am." sabi ko ng nakangiti.
Paalis na sana kaming dalawa ni Stephen tapos bigla siyang tinawag ng principal.
"Stephen ayos ayusin mo yang sarili mo ah. Under provisionary ka na."
"Opo ma'am"
Under provisionary?
So binabantayan na yung conduct grade niya?
Woah grabe din tong lalake na to.
BINABASA MO ANG
Perfect Love?
RomanceLove means that you accept a person with all their failures, stupidities, ugly points, and nontheless you see PERFECTION in IMPERFECTION itself. Meron ba talagang perfect love? Ang alam ko kasi si Lord lang nakakapagbigay ng PERFECT LOVE eh. Pero...