Paglabas namin ng gate ni Stephen ang dami nagtitinginan mas dumami yung mga nagbubulungan.
"Are they really dating?"
"Akala ko ba si Evan?"
"Lahat nalang kinukuha niya! Pati ba naman si Stephen?"
"Grabe na siya ah!"
Baka bigla akong sugudin ng mga babae na to.
May mga taga ibang school din na nagtitinginan.
Grabe when will they stop? They're everywhere! Gusto ko na umuwi.
"Teka hintayin mo ko dito may kukunin lang ako."
"Ano ako yaya?! Paghihintayin mo dito?! Ayos ah!" tinignan niya ko ng masama. Scary look. "Sige na nga basta bilisan mo ah." wala akong nagawa kung hindi sumunod.
Alam niyo naman si Stephen bayolente! Baka masapak ako ng di oras niyan eh!
Habang naglalakad ako palabas ng gate may dumaan ng babae nakashades siya tapos maganda.
"Girls! Si Angela ba yun?"
"She's back!"
"OMG ang ganda niya!"
Siya si Angela? Maganda nga siya.
So siya yung Angela na pinaguusapan ng lahat? Yung Ex ni Stephen.
Maya maya may dumating na kotse huminto sa harap ko.
Ano ba to sa tapat ko pa huminto pinagmamayabang niya ata yung kotse niya eh. May kotse din naman kami noh.
"Oy pasok na!"
Pag tingin ko si Stephen pala yun. May kotse siya? Highschool lang siya ah?! Ilang taon na ba yan??
Binuksan ko yung pintuan ng koste at pumasok. Tinuro ko yung daan papunta sa bahay namin.
"Malapit lang pala bahay niyo eh akala ko naman ang layo!"
"Oo nga. Mga 10 mins pag nilakad, 5 mins pag drive, kasama na traffic."
"Ang ibig kong sabihin malapit lang sa bahay ko." Bahay niya?! Malas ko naman oh.
"Susunduin kita ng mga 5 pm. 4:30 pa lang, magpahinga ka muna ok?"
"Anong klaseng pahinga gagawin ko sa 30 mins? Oras ako natutulog hindi minuto noh! Pati sa susunod wag ka na lang magsuot ng watch! 3:30 pa lang noh!"
"Basta 5 susunduin na kita! Pag hindi ka nagayos ng 5 patay ka sakin!!" bumaba na ko ng kotse para makapahinga na ko.
Pumasok na ko ng bahay at nag pahinga.
Anong ba tong pinasok ko na gulo!
Sana naman matapos na to, bumalik na sana yang Angela na yan sa pesteng lalaking yan!
Nasisira buhay ko sakanila eh!
5 pm na, buti na lang at nakaligo at bihis na ko.
Simple lang sinuot ko naka crop shirt at shorts lang ako. Baka kasi isipin ni Stephen na nagpapaganda ako sakanya. Kapal niya.
Nagpasama ako kay Stephen sa mall para makashopping ako.
Pumasok ako sa isang shop kung saan madaming bentang dress.
Ang gandaaaa! Ang dami kong gustong bilin pero syempre ayoko naman ubusin pera ko noh.
Tinry ko yung pink dress na may flowers yung design tapos lumabas ako ng fitting room.
"Stephen bagay ba?"
Tinignan ako ni Stephen, "Oo kamuhka mo si Dora." tapos tumawa siya.
Grabe di pa rin siya nakakaget over dun sa nangyari? Baliw na ata siya.
"Yung totoo nga kasi."
"Oo bagay sayo dalian mo nga jan bilin mo na."
Lumabas na kami ng shop tapos nagikot ikot sandali tapos umalis na din ng mall.
Habang naglalakad kami palabas ni Stephen may humarang samin na 3 lalaki.
"Ayos si Stephen may girlfriend na. Maganda siya ha." napatingin ako kay stephen, kilala niya siguro tong mga to, kasi naka smile siya.
"Anong pangalan niya? Maganda siya ah."
"Jasmin. Hindi ko siya girlfriend. Pwede ba, tumabi na kayo."
Hinawakan ni Stephen yung kamay ko tapos hinila ako papalayo sakanila.
Narinig kong sumigaw yung isang lalake tapos sinapak si Stephen.
Tinulak ako ni Stephen palayo , grabe first time ko maka-encounter ng ganito.
Pag lapit sakin ni Stephen wala siyang sugat sa mukha or kahit gasgas man lang. Wooooow superman?
"Sorry ha di ko naman expect na may mangyayaring ganun, ayoko lang naman na may bumabastos sa babae. Lalo na sayo."
"Ahh okay lang. Hindi naman ako nasaktan or what."
ANO DAW??! Lalo na kanino?
Kanino daw? SHEEEET SAKIN NGA.
Okay kinikilig ako this is so immature. Pero wtf he's so sweet. :">
"Tara na, ihahatid na kita pauwi."
"Ha? Ano?"
Ano ba naman yan hindi ko na narinig yung sinasabi niya masyado ako nagddaydream eh.
"Ang sabi ko ihahatid na kita pauwi. Bingi ka ba?"
"Hindi lang narinig bingi na agad? Che! Uuwi ako magisa."
"Sabing i-uuwi na kita eh pumasok ka na nga sa kotse eh! Wag ka ngang makulit jan!"
"Sunget!" tapos pumasok na ko ng kotse mamaya hampasin pa ko nung lalake na yan eh.
Hindi pa din ako makaget over dun sa sinabi niya sakin..
'Sorry ha di ko naman expect na may mangyayaring ganun, ayoko lang naman na may bumabastos sa babae. Lalo na sayo.'
Hayy feel ko naman hindi niya talaga sinabi yun ng with feelings eh..parang wala lang sinabi lang niya.
Ewan ko ba bakit ako affected. Nadala lang siguro ako sa kilig.
"Hoy baba na ayan na bahay mo."
"Ah oo salamat ha."
"Wala yun, sige alis na ko."
Tumango lang ako tapos umalis na siya.
Pagod na pagod ako ngayong araw na to, I really need to rest. No more energy for me.
BINABASA MO ANG
Perfect Love?
RomanceLove means that you accept a person with all their failures, stupidities, ugly points, and nontheless you see PERFECTION in IMPERFECTION itself. Meron ba talagang perfect love? Ang alam ko kasi si Lord lang nakakapagbigay ng PERFECT LOVE eh. Pero...