Pinabalik na kami ng principal sa classroom, tapos etong si Stephen biglang huminto.
"Hoy bakit ka ba huminto? Tara na kaya umakyat na tayo baka mapagalitan tayo noh."
"Bakit mo ba ko kailangan sundan? Magsisindi lang ako ng yosi sa labas, mauna ka na kung gusto mo. Sunod ka ng sunod eh may gusto ka ata sakin eh."
"EXCUSE ME?! I don't like you! Ugh you annoy me!"
"Hoy tigilan mo pag eenglish mo jan kadiri hindi bagay sayo. Para kang 'wannabe'."
"Ako wannabe?!! Ang kapal ng mukha mo!"
"Galit ka nanaman? Sabi ko 'PARANG' okay? Kaya wag kang magulo jan."
Sinundan ko si Stephen sa labas, eh ayoko kaya magisang pumunta ng classroom nakakahiya eh pagtitinginan lang ako ng buong klase. At least pag kasama ko siya magtatago ako sa likod niya diba?
"Sasabay na ko sayo umakyat ayoko ngang magisa nakakahiya eh pagtitinginan ako. Kaya bilisan mo jan."
"Wow ikaw na nga tong sasabay ikaw pa tong demanding." sabi ni Stephen habang nagsisindi ng yosi.
Pasalamat ka makikisabay ako kung hindi naupakan na kita!
Daming alam netong lalake na to eh.
"Hoy tara na tapos na ko ano pang hinihintay mo jan? Pasko? Tara na!"
"OPO SIR!" Bwisit ah pasko mo mukha mo! As*hole.
Pagakyat namin sa classroom pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin.
Nagtago ako sa likod ni Stephen.
"Hoy ano ba wag mo nga hilain yung polo ko. Magtatago ka na nga lang kailangan mo pang hilain yung damit ko. Gusto mo ata akong hubaran eh. Kung yun lang pala gusto mo, wag dito noh dun sa mas private na lugar kung gusto mo."
"MANYAK KA! KADIRI! EW. ANG BABOY MO!!!!"
"Ayan nanaman yang bibig mo eh. Speaker ka talaga kahit kelan. Tsk."
"Che!"
"Hoy kayong dalawa! Away kayo ng away jan eh. Tara dun tayo sa canteen lunch na kaya!" sabi ni Evan.
Ang gwapo niya talaga kahit kelan! Nawala yung inis ko nung nakita ko siya!
He's such a cutie!
Bumaba na kami para sa lunch break.
Grabe ang daming sumisigaw nung lumabas kami ng classroom.
Feel ko naman hindi dahil samin ni Kim to eh.
Dahil to dun sa tatlong kasama namin.
Tilian ng tilian yung mga babae grabe. Kilig na kilig sila halos mahimatay na yung iba.
"O dito na kayo kumain sa table namin dito na kayo every break ah." Sabi ni Caleb.
Wow so may sariling table sila?
Napansin ko nga na bakante tong table na to na nasa gitna. Siguro nga dahil para sakanila tong table na to.
Ang daming tumitingin samin nung dun kami pinaupo sa table nila Stephen ang dami pang nagbubulungan.
"What?! Bakit dun sila pinaupo? Sino ba sila para dun sila paupuin?!"
"I know right? Eh mas maganda naman tayo sakanila ah!"
"Oo nga! Tayo kaya yung number one fans nila!"
Ano daw? 'NUMBER ONE FANS'? Mga bobo pala to eh.
BINABASA MO ANG
Perfect Love?
RomanceLove means that you accept a person with all their failures, stupidities, ugly points, and nontheless you see PERFECTION in IMPERFECTION itself. Meron ba talagang perfect love? Ang alam ko kasi si Lord lang nakakapagbigay ng PERFECT LOVE eh. Pero...