Third Person's POV
Naglalakad si Sandra papunta sa kaniyang kwarto nang bigla siyang paluin ng espadang laruan ng kaniyang nakababatang kapatid na si Sander.
"Ano ba yan!?" Iritadong sambit ni Sandra at sinamaan ng tingin ang nakababatang kapatid niya.
"Pikon! Hahaha!" Nangaasar na saad ni Sander.
"Ugh! In the middle of the night, you're still awake?" Iritado pa rin si Sandra.
"Blah blah blah!" Sabi ni Sander. Nag simula nanaman itong paluin ang kapatid niya ng espada. Nasasaktan na si Sandra pero nagtitiis na lang siya dahil nag babakasakaling tigilan na siya nito pero hindi pa rin.
"Stop it!" Sigaw niya na may namumuong luha sa kaniyang mga mata. Noong bata pa lamang si Sander ay mahal na mahal niya ito, pero nang nagsimula itong bugbugin siya at laging hinahamon sa suntukan, ay hindi na niya ito pinakitaan ng pagmamahal. Ayaw niyang sa paglaki nito ay masanay na sinasaktan siya imbis na protektahan siya. Ayaw niyang mapuno siya sa kaniyang kapatid kaya hindi niya na ito madalas pinapansin, ayaw niyang may magawa siyang mali sa kapatid niya. Ayaw niya itong masaktan. Mas pinipili niya pa itong masunod kaysa sa kaniya.
Biglang lumambot ang expression ng mukha ni Sandra nang maalala niya nung namasyal sila sa Enchanted Kingdom noong nakaraang pasko.
"Miss, bawal pa po siya dito sa Anchors Away." Sabi nung babae sa kaniya matapos sukatin si Sander.
Tumingin siya sa nakakaawang mukha ni Sander. "Ibalik na lang kita kay mommy at daddy." Sabi ni Sandra kay Sander.
"Hintayin na lang kita dito, ate." Sabi ni Sander sa kaniya, pero halatang nalulungkot ito dahil gusto niyang sumakay sa Anchors Away.
"Wag na, baka mawala ka pa. Balik na lang tayo sa food court." Sabi ni Sandra, naaawa talaga siya sa kapatid niya.
"Mabilis lang naman ito, ate." Sabi ni Sander.
"Miss, malapit na pong mag umpisa yung ride." Singit nung babae.
"Sige na ate." Sabi ni Sander.
"Wag kang aalis dito ah? Dito ka lang? Wag kang sasama kahit kanino, sakin kalang sasama." Bilin ni Sandra kay Sander. Bumaling siya sa babae. "Ate, pakibantayan po siya ah?" Pakiusap ni Sandra sa babae. Tumango lang ang babae.
Habang hindi pa umaandar ang rides na sinasakyan ni Sandra ay panay ang tingin niya kay Sander. Nakatingin lang siya at hindi inaalis ang tingin. Nang umandar na ang rides ay hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa kaniyang kapatid, hanggang sa bumilis na ang pag andar, napahawak na siya sa bakal. Hindi naman siya nag enjoy dahil, una, wala siyang kasama sa rides. Pangalawa, inaalala niya ang kaniyang kapatid. Pangatlo, wala ulit siyang kasama sa rides.
Nang matapos ang rides ay mabilis niyang pinuntahan ang kaniyang kapatid.
"Ate? Masaya ba?" Tanong nito.
"Hayaan mo, makakasakay ka rin doon pag lumaki ka na, kaya dapat matulog ka palagi at kumain ka ng madami para lumaki ka na, at para makasakay ka na diyan." Sabi ni Sandra kay Sander.
"Pero masaya nga, ate?" Tanong ulit ni Sander.
"Hindi eh, wala kasi akong kasama at saka iniisip kita baka kasi sumama ka sa kidnapper eh." Sabi ni Sandra.
"Hindi naman ako sasama ate eh. Matalino naman ako." Sabi ni Sander ng nakangiti.
'How I love my brother.' Sabi ni Sandra sa isip isip niya. Niyakap muna niya ito bago bumalik sa food court.
Napangiti si Sandra nang maalala ang panahong, mabait pa sa kaniya si Sander.
Pumasok na lang siya sa kwarto niya at binalewala ang pamumula sa braso at binti niya. Mahal na mahal niya ang kapatid niya, kaya niyang gawin ang lahat para lang sa kaniyang kapatid. Kahit na sinasaktan siya nito lagi, kapag naalala niya yung mga oras na close pa sila ay kayang kaya niyang gawin ang lahat mapasaya lang ito. Kahit masaktan pa siya.
👫
@snowXXqueen