Third Person's POV
Nagsimula ang umaga ng maganda. Pero ang dalawang magkapatid na si Sander at Sandra ay hindi maganda ang pagsasama. Nagaaway na naman sila na parang aso't pusa.
"Akin yan!" Sigaw ni Sandra dahil hinihila ni Sander ang kaniyang unan na may nakalagay na pangalang Sandra.
"Hindi kaya! Akin to eh!" Sabi ni Sander. Nag simula nanaman itong mamalo.
Gusto lang kasi ni Sander na pansinin siya ng kaniyang ate na si Sandra kaya niya ito laging inaaway. Iyon ang paraan niya para maglambing sa kaniyang kapatid, ngunit hindi ito alam ni Sandra. Ang akala kasi ni Sandra ay hindi siya mahal ng nakababata niyang kapatid, ngunit mahal na mahal siya ni Sander. Hindi kasi ito marunong maglambing na yakap at halik sa pisngi, kaya ang paraan niyang paglalambing ay ang pagbubugbog dito. Limang taong gulang palang si Sander. At si Sandra naman ay labing-dalawa.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ng dumating, ang mommy nila.
"Kinukuha ni Sander yung unan ko, pambabae to mommy eh!" Sumbong ni Sandra sa kanilang mommy.
"Hindi mommy!" Pagbibiro ni Sander. Nakangiti pa siya. Pero para kay Sandra, nagsisinungaling ito. Inis na inis na siya sa kapatid niya.
"Sinungaling ka talaga!" Sabi niya at umalis na. Nang makapasok siya sa kaniyang kwarto ay bumuhos na ang luha niya.
Bakit ba ganito si Sander? Tanong niya sa sarili.
Ano bang nagawa ko sa kaniya?
*tok tok tok*
May biglang kumatok sa kwarto niya kaya mabilis niyang pinunasan ang kaniyang luha at binuksan iyon. Nakita niya ang kaniyang mommy.
"Nak, intindihin mo na lang ang kapatid mo." Sabi ng mommy niya.
"Opo." Yun lang ang naging sagot ni Sandra.
"Naglalambing lang yun sa iyo." Dugtong pa ng kaniyang mommy.
Tumango siya at ngumiti ng pilit. Hinalikan muna siya nito sa kaniyang noo at umalis na.
Napabuntong hininga na lang si Sandra. Lagi ko naman siyang iniintindi. Sabi niya sa isip isip niya.
Humarap siya sa salamin. Bigla siyang kinabahan pero hindi niya alam kung ano ang dahilan.
