Third Person's POV
Kinabukasan, nagaaway na naman ang mag-kapatid. Araw araw naman silang nag aaway eh. Pero ngayon pinapalampas na lang ni Sandra ang kapatid niya dahil kinakabahan siya.
"Ang pangit mo ate!" Pangaasar ni Sander.
"Mas pangit ka naman, tandaan mo magkamukha tayo, pero mas pangit ka pa rin." Sabay tawa ni Sandra.
"Pinakapangit ka, ate." Sabi ni Sander.
"Ampon ka lang. Sabi pa nga ng totoo mong nanay pinaglihi ka daw sa tae." Sabi naman ni Sandra.
"Ikaw nga pinaglihi ka sa kalabaw eh!" Tumawa si Sander.
"Ikaw naman sa tae ng kalabaw! Hahahaha!" Aniya Sandra.
Nag-tawanan sila hanggang sa dumating ang mommy nila.
"Kain muna tayo." Nakangiting saad ng kanilang ina.
"Sige po, mommy!" Ngumiti si Sandra.
Ano kayang mangyayari? Tanong ni Sandra sa sarili niya. Kinakabahan kasi siya.
Nang matapos sila sa pag-kain, ay nakipaglaro ulit ang kapatid niya sa kaniya, at gusto niyang kalaro ito kahit ayaw niya nung larong panlalaki.
Sana ganito na lang palagi Sabi niya sa sarili niya.
Hanggang sa nag gabi na ay natulog na sila. Ngunit habang nakahiga ay nakaramdam na naman si Sandra ng kaba.
"Ano bang nangyayari?" Tanong niya sa sarili nila.
Humarap siya sa salamin. "Ano bang nangyayari sayo?" Tanong niya sa harap ng salamin.
"Bakit ka kinakabahan? At.... bakit mo kinakausap ang sarili mo? Psh." Humiga na ulit siya at pinikit ang mata.
"Ateeeee!!!" Sigaw ni Sander na humihingi ng tulong.
"Sander!?" Hinahanap niya ang kapatid niya, pero hindi noya ito makita.
"Ate! Tulungan mo ko." Humihikbing saad ni Sander.
"Sander! Nasaan ka?" Tumutulo na ang luha niya, nandito lang siya sa dagat. Pero hindi niya makita si Sander. Kanina niya pa ito hinahanap pero wala siyamg makita kahit sinong tao.
"Ate! Tulungan mo ako. Tulungan mo ako. Ate Sandra!" Humihikbing saad ni Sander.
"SANDER!? NANDITO AKO! NASAAN KA BA? LUMABAS KA NA PLEASE! KAPAG LUMABAS KA PANGAKO KO SAYO, MAGLALARO TAYO ARAW-ARAW AT HINDI NA KITA SUSUNGITAN. MAHAL NA MAHAL KITA SANDER. PLEASE! LUMABAS KA NA!" Sigaw niya at napaluhod na siya sa buhangin dahil sa kakaiyak at nanghihina na siya, hindi niya kayang mawala ang kapatid niya. Mahal na mahal niya ito.
"Bye na ate." Malungkot na boses ang narinig niya. Boses iyon ng kaniyang kapatid na si Sander.