The End

23 2 1
                                    

Makalipas ang ilang buwan, dumating ang daddy nila Sandra at Sander.

"I'm home!" Bati niya.

"Welcome back, daddy!" Masayang bati nila Mrs. Cruz at Sander. Daddy kasi ang tawag ni Mrs. Cruz sa kaniyang asawa para gayahin ito ng kaniyang mga anak.

"Nasaan si Sandra?" Tanong ni Mr. Cruz sa kaniyang asawa.

"May sakit sa puso si Sander noon. Pero...." May inabot si Mrs. Cruz kay Mr. Cruz.

"Pero ano?" Tanong ni Mr. Cruz habang binubuklat ang papel na binigay ng kaniyang asawa.

Nang natapos basahin ito ay umaagos ang luha ni Mr. Cruz at napaluhod sa sahig.

Humagulhol na rin si Mrs. Cruz. Subalit si Sander ay masiglang naglalarong mag-isa— pero hindi pala ito nag-iisa. Si Sandra ay laging nagpapakita dito, nakikita naman siya ni Sander dahil sa puso niya.

Nang lumingon sila Mr. at Mrs. Cruz kay Sander, lumapit sila dito. "Sander?" Tawag nila kay Sander.

"Bakit po, mommy at daddy?" Tanong naman ni Sander ng nakangiti. "Mommy! Daddy! Si ate, oh!" Sabay turo niya sa harapan niya. Pero walang nakikita sila Mr. at Mrs. Cruz.

Napagpasyahan ni Sandra na magpakita na, pero kaluluwa na lang ito nang makita nila Mr. at Mrs. Cruz.

"Welcome back, daddy. I miss you." Niyakap niya ang kaniyang ama ngunit hindi niya ito mahawakan kaya hinalikan niya na lang ito sa hangin.

Bumaling si Sandra sa umiiyak niyang nanay. "Mommy, miss na miss na din kita." Ngumiti si Sandra pero may tumutulong luha sa mga mata niya. Hinalikan niya din ito sa hangin.

"Miss na miss ka na din namin anak." Sabay na sagot nila Mr. at Mrs. Cruz.

"Mahal na mahal ka namin anak." Sabi ni Mr. Cruz.

"Daddy, mommy, wag kayong magagalit sakin. Patawarin niyo po ako." Ani Sandra.

"Hindi kami galit sayo, mahal na mahal ka namin. Hinding hindi kami magagalit sayo." Aniya ni Mrs. Cruz.

"I love you mommy, daddy, at Sander." At unti unti na itong naglalaho.

"We love you too." Sabay sabay na sabi nila Mr. Cruz, Mrs. Cruz, at Sander. At tuluyan nang nawala si Sandra.

•The End•

Ang magkapatid ay nagtutulungan, nagiintindihan at higit sa lahat ay nagmamahalan. Kahit na lagi kayong nagaaway, magmahalan pa rin kayo.

@snowXXqueen

I Hate My Brother [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon