Hate [LOVE]: Three

17 1 0
                                    

Third Person's POV

Kinabukasan, nagaaway na naman ang magkapatid.

"Sander! Dun ka na kasi sa kwarto mo." Sabi ni Sandra.

"Ayoko! Dun ka na lang!" Sabi niya. Inaantok kasi si Sandra pero itong si Sander tumatalon sa kama niya.

"Ugh! Dun ka na, please! Inaantok pa ako." Alas siyete pa lang kasi ng umaga, pero itong si Sander ay nangungulit na sa kaniya. Summer kasi kaya wala siyang pasok. Mas gusto pa nga ni Sandra na may pasok dahil ayaw niyang ginugulo siya ng kapatid niya.

"Umaga na, ate!" Sigaw naman ni Sander.

"Oo na!" Inis na tumayo si Sandra at naligo.

Nang matapos siyang maligo ay nasa kwarto niya pa rin si Sander.

"Ano bang kailangan mo?" Inis na tanong ni Sandra kay Sander.

"Laro tayo, ate!" Masiglang sabi ni Sander.

"Anong laro?" Tanong ni Sandra.

"Ito ate! Sakin si Hulk, sayo si Spiderman!" Inabot ni Sander kay Sandra ang laruang Spiderman.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong naman ni Sandra.

"Bugbugan sila, ate!" Masigla pa rin si Sander.

Naglaro sila nang naglaro, pero hindi sinasadyang natamaan ni Sandra ng malakas ang kamay ni Sander.

"Ay, sorry. Patingin nga." Nagaalalang tanong ni Sandra kay Sander.

Sumama naman ang tingin ni Sander kay Sandra at akmang susuntukin ito, pero nakailag naman si Sandra. Pero hindi pa rin sumuko si Sander kaya sinipa niya si Sandra.

"Aray!" Sabi ni Sandra habang nakahiga na sa sahig ng kwarto niya. "Nag-sorry naman ako ah?"

Sinipa ulit siya ni Sander at umalis na sa kwarto ni Sandra.

Tumayo naman agad si Sandra at ini-lock ang pintuan.

Maya maya may kumatok sa pintuan niya.

"Sino yan?" Tanong niya. Baka kasi si Sander iyon.

"Si mommy!"

Binuksan niya agad ang pintuan.

"Bakit po mommy?" Tanong niya sa kaniyang mommy.

"Sinugatan mo daw yung kamay ni Sander?" Tanong ng mommy niya.

"No! He's lying." Sabi ni Sandra.

"Eh bakit may sugat yung kamay ni Sander?" Tanong ng mommy ni Sandra.

"Naglalaro kasi kami kanina, tapos natamaan ko yung kamay niya. Pero hindi ko naman yun sinasadya. Nag sorry naman po ako mommy eh." Paliwanag ni Sandra.

"Sige, kakausapin ko na lang yung kapatid mo." Sabi ng mommy niya at umalis na.

Nagsimula nanaman siyang kabahan, pakiramdam niya may mangyayaring hindi maganda.

I Hate My Brother [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon