Third Person's POV
"SANDER!" Sigaw ni Sandra nang magising siya. Tuloy tuloy sa pag-agos ang kaniyang mga luha.
"Hays, panaginip lang pala." Sabi ni Sandra at bumangon na para maligo.
"How's your sleep, anak?" Tanong ng ina ni Sandra nang makababa na siya sa kusina para kumain.
"Bad, mommy." Sagot ni Sandra.
"Why? Bad dream?" Tanong ng kaniyang ina.
"Opo, mommy." Sagot ulit ni Sandra.
"What's your bad dream?" Tanong ulit ng kaniyang ina.
"Sander was asking for help. He's crying but I can't find him. I'm at the beach that time and then.... all I can hear is his voice, he's crying, he's asking for my help." Sabi ni Sandra at tumulo na naman ang kaniyang luha.
"Anak, lahat ng panaginip kabaliktaran ng reality, okay?" Sabi ng kaniyang ina at pinunasan ang luha niya.
"Yes, mom. Pero mom, kinakabahan ako bago ako matulog eh. What does that mean?" Tanong ni Sandra sa kaniyang ina.
"Nothing, just eat, anak." Sabi lang ng kaniyang ina. Ang totoo kinakabahan na rin ang kaniyang ina.
"Okay, mom." Tumango si Sandra at kumain na. Hindi niya pa rin maiwasang kabahan.
"Good morning, mom." Sabi ni Sander na kinukusot pa ang mata habang pababa sa hagdan.
"Good morning, kumain ka na dito, anak." Aniya mommy.
Nang matapos silang kumain ay naglaro ang magkapatid, ngunit habang naglalaro sila kasama ang kanilang ina ay biglang nawalan ng malay si Sander.
"Sander!" Sabay na natatarantang sigaw ni Sandra at ang kaniyang ina.
"Anak, kuhain mo yung susi ng kotse sa bag ko." Nagmamadaling binuhat ni Mrs. Cruz si Sander at dinala sa kotse. Si Sandra naman ay nagmamadaling kinuha ang susi ng kotse at binigay ito sa mommy niya.
"Humawak kang mabuti, 'nak." Sabi ng kaniyang mommy at pinaharurot ang kotse papuntang ospital.
Nang makarating sila sa ospital ay dinala kaagad si Sander sa emergency room. Nag hintay sila ng ilang oras hanggang sa lumabas na ang doktor.
"Doc, ano pong nangyari sa anak ko? Ok lang po ba siya?" Nagaalalang tanong ni Mrs. Cruz.
"Nasaan po ba ang tatay niya? Gusto ko po sanang sabihin kung kayong dalawa ang nandito eh." Aniya.
"Wala po eh. Nasa ibang bansa po." Malungkot na saad ni Mrs. Cruz.
"Ah, gano'n po ba? Sige, didiretsohin ko na kayo. May sakit po sa puso ang bata." Sabi ng Doktor.
Tila nanghihina at namumuo na ang mga luha ni Mrs. Cruz at ni Sandra nang marinig iyon.
"Gamutin niyo po siya! Gawin niyo lahat ng makakaya niyo para lang magamot ang anak ko!" Sigaw ni Mrs. Cruz.