Chapter 26

2.2K 50 2
                                    

Kara's POV

Dalawang araw na akong absent sa trabaho, dalawang araw na din na nag tetext sakin si Gabriel. Hindi lang siya, nag tetext na din ang iba ko pang kasama sa trabaho.

Ayaw ko naman na mag siungaling pero alam ko na mag aalala siya pag sinabi ko na nasa ospital ako.

Napag pasyahan naming na dalhin na sa ospital si Karlo dahil hindi nawawala ang lagnat nito. Kahapon, nag monitor ng platelet para makumpirma kung dengue nga. Kaninang umaga sinabihan kami na kung patuloy na baba ang platelet ni Karlo, kakailanganin naming na masalinan siya ng dugo kaya naman nag hahanap ako ng AB Negative.

Nag pasya ako na taawaagan si ate Gia baka ka blood type niya ito. "hello ate" panimula ko nun gasutin niya ang kabilang linya.

"kamusta, parang iba ata ang boses mo" tanong nito.

"ate nasa ospital kasi ako."

"anong ginagawa mo sa Ospital" medyo gulat ang boses nito

"kasi nilagnat si Karlo 3 days na. nun nag kita tayo masama na ang pakiramdaam niya pero bibo naman kaya hindi ko na pinansin. Pero nun on and off nay un lagnat niya dinala na namin sa ospital." Paliwanag ko. "kaya lang pina pa ready kami ng donor if ever kailanganin naming Salinan siya ng dugo. Eh AB Negative ang kailngan wala naman siyang ka blood type samin"

"naku, oo AB negative ako pero hindi ako makaka donate" napakunot naman ang noo ko. "wait si Gab alam ko na AB negative din siya"

"ate naman hindi niya pa alam yun tungkol sa bata. Sige I'll stretch the possibility na maka kuha kami sa blood bank"

Nang matapos kami mag usap nag text ito para tanungin kung saan ospital kami. Nag reply naman ako to give the room number and hospital.

Pag ka baba ko ng telepono dumating naman sila Martin at Gelyn na nag aalala din para sa anak ko.

Kakatapos ko alng kumain nang dumating si ate Gia na bakas ang pag aalala sa mukha.

Agad niya akong niyakap. Naiyak nanaman ako nang makita siya na umiiyak. Sa loob ng dalawang araw wala na akong ginawa kundi umiyak, natatakot ako at naawa sa anak ko.

"kanina narinig ako ni Gab na kausap ka, hindi ko naman alam na nasa loob pala siya ng opisina ko. " kuwento ni ate Gia nang mahimasmasan na kami sa kakaiyak.

"anong sabi mo" nag aalala ako nab aka malaman na niya.

"sabi ko kaibiigan ko ang nasa ospital"

Ilang minuto pa kami nag kwentuhan nang mag paalam si Martin at Gelyn na uuwi muna. Umoo naman ako kasi may kasama pa naman ako mag bantay saka padating na sila mama.

"Gabriel" napakunot naman ako ng noo nang marinig ko ang pangalan ni Gabriel pag bukas ng pinto ni Martin.

Gabriel's POV

kanina pa ako palakad lakad, sino si Karlo Gozales, wala naman akong matandaan na kakilalang ganung pangalan.

Ilang minuto na din ako nag lalakad nang mapag pasyahan ko na katukin ang kwarto para maka sigurado kung sino ang nasaloob.

Nakahanda na akong katukin ang pinto nang bigla itong bumukas at nakita ko si Matrin.

"Gabriel" he was shocked. Lalo tuloy ako nag taka, kung kamag anak naming bakit si Martin ay nasa loob.

Nang sinilip ko ang loob, nakita ko si Kara at ate Gia, pero hindi ko maaninag kung sino ang pasyente.

I immediately entered the room right after martin gave way. I was really surprise to see a boy sleeping wearing hospital gown.

Napatingin ako sa pinto, hindi pa din umaalis si Martin, he closed the door instead.

Nilingon ko ang naka yukong umiiyak na si Kara. "Kara, sino siya"

Umangat ang tingin niya "a—anak ko" sagot nito.

Tinignan ko naman si Ate Gia, "may anak ako pero hindi mo sinabi"

"Gab—anak ko siya" sagot ni Kara.

"Exactly, may anak tayo, hindi mo naman na bangit" I know anak ko ang batang ito. Parehas kami ng mukha, as if I was looking in a mirror.

Pinipigil ko ang galit ko. Ang gusto ko lang malaman kung bakit nasa ospital ang bata at ang pag

labas ng galit ay hindi makaktulong.

Tiniganan ko lang ulit si Kara "mag uusap tayo pag tapos nito." I saw her tears began to run on her face. "I need to talk to his doctor." Gusto kong malman kung ano ba talaga ang lagay ng bata.

Palabas na ako ng kwarto to check who the doctoer is when Kara held my hand. "Gab mag papaliwanag ako"

"oo kailangan mo mag paliwanag but not now" binawi ko ang kamay kong hawak niya. I glared at Martin, I feel so betrayed, mula sa mahal ko, kaibigan ko pati kapatid ko nag sikreto saakin.

Nakausap ko na ang doctor, according to him kailngan mag redy ng blood for possible transfusion. Pero on going pa naman ang pag monitor ng platelet ng bata.

Si kara nalang ang naiwaan sa kwarto nang makabalik ako.

"kuya, he already know about Karlo" umiiyak na sabi nito. "okay I'll wait for you" bago ito nag paalam sa kausap.

Nang makita niya ako hindi ito nag salita, nanatili laman ako na nakaupo sa tabi ng bed ng bata. Hindi ko mapigilan ang luha na nalalaglag sa pisngi ko. Halo halo an narramdaman ko. Galit sa mga taong nag lihim saakin. Lungkot dahil hindi ko alam kug ano ang alam ng anak ko tungkol saakin, lungkot dahil hindi ko man lang nakita ang pag laki niya. Takot na baka may mangyari sa kanya, natatakot din ako na galit siya saakin. Pero na ngigibabaw ang tuwa, ang saya ko dahil may anak ako may anak kami ng babaeng mahal ko.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang kaibigan ko na si Kenneth, I really want to punch him. Of all people he should have told be about having a kid with her sister. Pero natigilan ako nang may kasunod ito na batang babae, kamukhang kamukha ng pasyente. Agad naman akong napalingon kay Kara, naguluhan ako.

Bago pa ako nakapag tang nag salita si Kenneth. "you, follow me" nag tataka man sumunod na ako sa kanya hanggang makadating kami sa parking. Dalawang malakas na suntok ang tumama sa akin. "I should have done that four years ago" bago binuksan ang trunk ng kotse na nakaparada doon, may inabot na maliit na box. Nag lakad ito pabalik sa loob na parang walang nangyari.

KARLO AND ELLA yun lang ang nakalagay na label sa box.

ent;p^D

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon