Chapter 5

662 30 3
                                    

Kristine's POV

Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko. Hindi kase ako makatulog, magmula nung pangyayari kanina, nawala na ang antok ko. Atsaka may isang bagay na bumagabag sa isip ko. Yung sinabi noong babaeng nakabanggaan ko. Ano kayang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Para kaseng may gusto siyang ipahiwatig. Tinignan ko ang orasan sa side table ko. 8:42 na.

Muli, naalala ko ang sinabi nung babae kanina. 'Mors enim prope est'. Tumayo ako at kinuha yung laptop ko. Pagkabukas nito pumunta ako sa google. Kailangan kong malaman kung ano ang ibig sabihin nito. Isi-search ko ang meaning ng mga salitang yon.

Ini-scroll ko ang mouse para mabasa ang mga nakasulat. Ano ba yan?! Iba yung lumalabas. Puro mga latin? It means latin yung sinabi kanina sa akin nung babae? Scroll down lang ako ng scroll down hanggang mapadako ang tingin ko sa isang article. Shit! Oo nga bat di ko agad naisip yon?! May translator naman pala dito pero nagpapakahirap pa akong mag hanap. Tsk!

Tinranslate ko na ito mabuti na lang pala at natatandaan ko pa yung sinabi nung babbae kanina. Pero ko inaasahan ang sumunod na lumabas. Death is near? Nalalapit na kamatayan? Sinong mamamatay? At yung sinabi niya kanina na wag akong basta basta magtitiwala. Anong ibig niyang sabihin doon? Ang gulo! Ang daming mga tanong ang bumabagabag sa isip ko. Ngunit ako lang mismo ang makakasagot sa mga tanong na ito. Pero paano ko ito masasagot kung hindi ako kikilos? Kaya naman ako mismo ang gagawa ng paraan para malaman ko ang lahat.

Sinara ko na yung laptop ko at humiga na ulit habang nakatingin sa puting kisame. I sighed. Sa ngayon, ang kailangan ko munang gawin ay mag obserba sa mga nangyayari sa paligid.

                                                                   *******

Isang linggo na ang lumipas at naging maayos naman ang lahat. Kinaumagahan ay maaga akong nagising kaya maaga din akong pumasok. Andito na ako sa loob ng classroom. Iilan pa lang kaming nandito at wala pa sina Claire kaya naman naisipan ko munang pumunta ng library tutal maaga pa naman. Tatambay na lang ako dun. Walang magawa eh kaysa naman magmukmok lang ako dito.

Pagkarating ko wala pang gaanong tao sa loob. Yung mga iba namang nandito hindi naman nagbabasa gumagawa lang ng mga assignments nila. Tsk! Ano ba kaseng pumasok sa isip ko at dito pa ako pumunta sa dami naman ng pwedeng pagtambayan?

Kumuha ako ng librong pwedeng basahin. Umupo ako sa dulo at nag-umpisang magbasa. Nakailang page pa lang ako nang isinara ko na ang librong binabasa ko. Aish! Walang kwenta! Sabi na eh. Kaboring tsk! History pala nakuha ko. -__-

Ibabalik ko na sana ito nang may nakita akong nakaipit sa isa sa mga pahina. Tinignan ko ito ng mabuti. Isang l--litrato? Litrato ng mga dating nag-aaral. Anong ginagawa ng litratong ito dito?

Ewan ko ba pero parang may nagsasabi sa akin na kunin ko ito at itago pero arghh! Ano naman mapapala ko kapag kinuha ko ang litratong ito? Hay!! Bahala na nga. Luminga linga muna ako sa paligid. Kinuha ko ito at itinago na sa bulsa ko ng makatiyak na walang nakakita. Ibinalik ko na rin yung librong kinuha ko kanina.

Nang paalis na ako, nakita kong tumingin sa akin ang librarian at bigla itong ngumisi. Pero parang may kakaiba sa ngisi niya eh. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba yon o ano. Nang nasa tapat na ako ng pinto nadinig ko pa ang bulong niya bago ako tuluyang lumabas.

"Mag iingat kayong lahat dahil babalik ang sumpa." wika niya habang seryosong nakatingin sa'kin. Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa braso dahil sa sinabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na sa paglabas.

Cursed Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon