Chapter 9

617 28 1
                                    

Sabrina's POV

"Sunod #16." tumayo naman sa pagkakaupo si Danica at pumunta na sa harapan. Siya nga pala si Danica, ang laging top 1 namin sa klase magmula first year.

"At ang iyong nabunot naman ay..?"

"BLOW."

"So para hindi naman unfair sa iba ang kailangan mong gawin ay ipalobo ang dalawang lobo na yan. Okay ba yon?" napangiwi naman ito at tumango rin sa huli. Binigay na ni ma'am yung dalawang lobo at nagumpisa naman na niya itong hipan hanggang sa unti unti na itong lumaki. So isa na lang yung natitira pa. Sinunod na niya yung isa pang lobo na natitira hanggang sa matapos na siya. Hinihingal na umupo na ito.

"Grabe ang sakit sa panga!" reklamo nito. Tinabihan naman siya ni Bryan, ang boyfriend nito at inalukan ng tubig.

"Are you okay?!" nag aalalang tanong nito. Tumango lamang ito at ngumiti kapagkuway inabot ang tubig na inaalok nito.

"Who's next?" pumunta naman sa harapan si Ian. So siya nga pala ang Vice president namin sa klase.

"Ang nabunot ko naman ay IMPERSONATE ANIMALS." wika nito.

"So all you have to do is to act like an animals. Okay, let's start." paalala ni ma'am at ayun na nga nagumpisa na niyang gayahin ang kilos at boses ng mga hayop.

"Arrff!! Arrff!!" gaya nito sa tahol ng aso at umakto pa na parang isang aso ang kilos. Napatawa naman kami sa itsura niya. Paano ba naman kasi mukha siyang ewan sa mga pinanggagawa niya. "Meow! Meow!" ang kaninang boses aso ay naging kilos at boses pusa naman ngayon. Nilapitan niya si Sean at nagpaikot ikot dito na parang isang naglalambing na pusa. Mas lalo kaming natawa dahil sa mukha ni Sean na parang diring diri sa mga pinanggagawa ng kaibigan.

"Yakk!! Pare hindi tayo talo!" nandidiring sabi nito at tinulak ang ulo ni Ian palayo sa kanya. Natatawa naman niyang tinignan ito.

"Gagu! Asa ka namang papatulan kita! Hahaha!!" tatawa-tawang sabi nito at bumalik na sa pwesto niya.

"Guys! Cr lang muna ako sandali ah. Ma'am excuse me po." biglang taas kamay ni Jashmine. Tumango naman si ma'am sa kanya kaya lumabas na ito. Napatingin naman ako kay Ethan na tahimik lang na nakikinig sa amin at kanina pa walang kibo. Tsk! Kahit kailan talaga napaka kill joy ng lalaking 'to.

"Ma'am excuse me din po." napatingin ako kay Claire nang magtaas ito ng kamay. Ma'am just nodded and then she immediately get out of the room.

"Next #18. Sino na?" tanong ni ma'am nang dahil hanggang ngayon ay wala pang pumupunta sa harapan.

"Ma'am diba may natitira pang isang papel dyan? So it means kay Ms. Nerd aka. Ms. Baliw yang natitirang papel na yan dahil hindi siya bumunot kanina." biglang sabi naman ni Bianca. Napatango naman si ma'am. Hay! Naalala ko na naman yung sinabi ni Xyra kanina. Ano kayang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang iyon?

"Okay sunod na #20." sunod namang tumayo si Steph at pumunta na sa harapan. Siya naman ang class writer at bookworm sa klase. Pero hindi siya nerd ah. Mahilig lang  siyang magsulat ng mga story at magbasa kagaya ng mga pocketbooks. Nabaling ang tingin ko sa pinto nang pumasok na si Claire. Pero si Jash ay wala pa hanggang ngayon.

"ROLL is my word." sabi ni Steph nang nakabusangot. Marahil ay hindi niya siguro nagustuhan ang kanyang nabunot kaya ganyan. Nagsimula na siyang humiga at nagpagulong gulong na sa sahig. Mabuti na lang at malinis ang sahig kung hindi ay nadumihan na ang suot niyang uniform. Nang natapos na siya ay nagpagpag muna siya bago bumalik sa upuan.

Cursed Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon