Chapter 4

885 34 6
                                    

Kristine's POV

Pagkarating namin sa cafeteria as usual ang daming tao. Halos puno lahat ang upuan at ang haba pa ng pila buti na lang at may nakita pa kaming bakante sa pinakadulo.

"Ako na lang ang mag-oorder." presinta ni Claire "Hintayin niyo na lang ako dyan ah! Ano ba order niyo?" tanong niya at tumingin sa'kin. "Ikaw Kris, ano yung sayo?"

"Spaghetti at isang coke in can na lang yun akin busog pa ako eh." sagot ko at inabot na ang bayad. Tumingin naman siya kina Sab at Yumi na para bang tinatanong kung ano ang order nila at mukhang nakuha naman nila.

"Carbonara, 1 slice of pizza tsaka isang pineapple juice yun namang akin." sabi ni Yumi at inabot na ang bayad niya kay Claire.

"Hmm... Kagaya na lang din nung iyo." sabi naman ni Sab sabay abot ng bayad niya. Tumango naman siya.

"Yun lang ba? Wala na ba kayong ipapadagdag?" umiling naman sila pero hindi pa man siya nakakaalis ay bigla kaming napatingin sa counter ng cafeteria nang may marinig kaming sumisigaw at andami na ding mga estudyante ang nakikiusyoso. Napatingin ako dun sa babaeng sumigaw. Sa pagkakaalam ko kaklase namin siya eh.

"Look what you've done?! Bat kase di ka tumingin sa dinadaanan mo. Tatanga tanga ka kase!" sinisigawan niya yung babae habang patuloy lang ito sa pag hingi ng sorry sa kanya at nanginginig na rin ito sa takot. Biglang napadako ang tingin ko sa uniform niya na basa at natapunan yata siya ng juice. Nagulat na lang yung babae nang biglang ibuhos sa ulo niya yung natitirang laman nito. Para siyang napako sa kinakatayuan niya at basang basa na rin siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kaya napayuko na lang siya sa kahihiyan.

"Ano pang tinatayo mo dyan?! Mabuti nga't ganyan lang ginawa ko sayo eh pero sa susunod na maulit ito mas malala pa dyan aabutin mo. At kayo ano tinitingin tingin niyo?! Tapos na ang palabas! Alis na!" bigla naman umalis yung mga nakikiusyoso at bumalik na sa kani-kanilang mga ginagawa. Yun namang babae kanina bigla na lang tumakbo dahil sa takot at parang anytime ay maiiyak na siya. May mga bully din pala dito. Sabagay kahit saan ka naman pumuntang eskwelahan may mga bully pa rin eh kaya kung hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo patuloy ka lang nilang bubullyhin.

"Hay! Grabe talaga yang si Bianca eh no? Porket siya ang Queen bee kaya kung umasta parang siya yung reyna dito. Argh!! That bitch! Nanggigigil ako sa'kanya." Sab said with gritted teeth. So, Bianca pala pangalan nung babaeng yun? Ang ganda na sana ng pangalan niya eh pero kabaliktaran naman ng ugali niya. Tss!

"Oo nga eh kawawa naman yung babae. Pero wala naman tayong magagawa." malungkot na sabi ni Yumi. Bigla naman akong nagtaka kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot noo na tanong ko. Napabuntong hininga naman siya bago sumagot.

"Hindi mo ba napansin? Walang ni isang gustong tumulong dun sa babae. Kase sa oras na nakialam ka, ikaw yung bubullyhin nila hanggang sa ikaw na mismo ang lumipat ng ibang eskwelahan." paliwanag niya. Napatango tango naman ako. Kaya pala.

"Hindi ba siya naki-kick out sa mga ginagawa niya?" tanong ko sa kuryosidad. Diba labag sa school rule ang bullying? Kase sa oras na malaman nila na sobra na ang pambubully mo siguradong kick out ka kaagad.

Cursed Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon