Chapter 11

464 19 4
                                    

Kristine's POV

"Mga hija at hijo halina kayo't kakain na. Luto na ang inyong pananghalian." rinig kong sigaw ni manang sa labas ng pinto. Kaya naman nag ayos na kami at bumaba na upang pumunta na sa dining area. Kakagising lang kase namin dahil napagod kami sa mahabang byahe. Pagkarating namin ay nandoon na ang lahat.

"Oh nasaan si ma'am Janna? Hindi niyo ba siya kasama?" tanong ni manang nang makitang wala pa ang aming guro. Umiling naman sila.

"Baka nasa kwarto ninyo manang at nagpapahinga." sabi naman ni Francine at nagkibit balikat. Ay! Oo nga pala magkasama sila ni manang sa iisang kwarto.

"Ang sabi niya sa akin aakyat lang siya sa taas kanina pero hanggang ngayon ay wala pa siya. Osya sige wag niyo ng problemahin 'yon at magsikain na muna kayo alam kong gutom na gutom na kayo" pag iiba niya ng usapan kaya naman nag umpisa na kaming kumain. Tinignan ko ang nakahandang ulam sa hapag. Adobo at Caldereta.

"Wow manang adobo. My favorite." parang batang sabi ni Ace habang kumikinang pa ang mga mata. Tsk! Tinignan ko naman si Kiel na katabi niya na napailing na lang sa kaibigan. Oh sumama pala 'to? Ngayon ko lang siya napansin paano ba naman ang tahimik niya kasi. Akala ko nalunok na niya yung dila niya eh.

"What is that food? Masarap ba yan? Baka naman mamaya pangit yung lasa at marumi yung pagkakaluto. Eww!" maarteng sabi ni Bianca. Tsk! Arte! Kala mo naman lalasunin eh.

"If you don't want to eat then don't okay? Hindi ka naman namin pinipilit dito. Tsk!" inis na sabi ni Kiel. Natahimik naman si Bianca. Kami naman ay nag-umpisa ng kumain at pinabayaan na siya. Hindi naman kami ang magugutom kaya bahala na siya dyan.

"Fine! I will eat." napipilitang sabi nito at umupo na. Kakain din naman pala eh ang dami pang arte. Psh!

                                                                                              *****

Tapos na kaming kumain. Nandito ako ngayon sa aming kwarto at nakahiga. Ako lang mag-isa rito. Yung iba naman ay nasa sala nagkukwentuhan. Napabuntong hininga ako. Hay! Ano kayang magandang gawin? Ay! Oo nga pala hindi pa kami nakakapag-ayos ng mga gamit namin kase natulog lang kami kanina. Kinuha ko ang dala kong gamit at inumpisahang ayusin ang mga ito at inilagay sa drawer. So bale akin gamit yung nasa pinakataas ng drawer then yung apat pa na drawer box na natitira ay kina Claire.

Ilalagay ko na sana yung huling natitirang damit nang may mahulog na litrato. Dahan-dahan ko itong kinuha. Teka ito yung picture na nakuha ko noon sa library ah? Dinala ko ba 'to sa mga gamit ko? Pinakatignan ko ito ng mabuti. Isa itong class picture ng mga dating mag-aaral. Tinignan ko ang likod nito nagbabakasali na baka may nakasulat at tama nga ang hula ko may nakasulat dito na 'Class Z-5'.

Eh? Section namin ito ah! So it means sila yung mga dating estudyante sa section namin? Base sa nakikita kong itsura ng lumang litratong ito mga nasa ilang taon na rin ang nakakalipas ng makuhanan ito. Natigil ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng ingay sa labas kaya naman pinatong ko muna ito sa side table na katabi ng aming kama at dali-daling lumabas ng kwarto.

Naabutan ko silang nagkakagulo at nagkukumpulan sa labas ng kwarto nina manang kaya naman nakipagsiksikan ako upang makita kung anong nangyayari. Pero ganoon nalamang ang aking pagkagulat sa aking nasaksihan. Si Ms. Janna na wala ng buhay at puno ng dugo ang katawan. Kita ko rin dito na pinutol ang kanyang mga daliri.

"Omygod! P-paanong nangyari yan kay Ms. Janna?" tanong ni Arian na mangiyak-ngiyak na sa takot. Makikita mo rin sa mga mukha ng iba ang kanilang takot at pandidiri dahil sa nasaksihan.

Cursed Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon