Chapter 1

1.4K 50 3
                                    

Kristine's POV

"Princess, gising na! May pasok ka pa." nagising ako dahil sa malalakas na katok sa kwarto ko. Ahmm.. Inaantok pa ako eh. Sino ba 'tong peste na 'to na nambubulabog ng tulog ko? Eh ang aga pa eh mamaya pa pasok ko. Kinuha ko yung cellphone ko na nasa bedside table at tinignan ang oras. 5:30 pa lang, samantalang 8:00 pa lang yung pasok ko.

"Yahh! Maaga pa eh give me more 10 minutes okay?!" inaantok na sabi ko at tinakip ang dalawang unan sa tenga ko.

"Sofia!! PAG DI KA PA GUMISING 'DYAN BUBUHUSAN KITA NG MALAMIG NA TUBIG. Hindi ako nagbibiro." agad agad akong napabangon ng marinig ko ang sigaw ni kuya. Wahhh!! Lalaki ba talaga 'tong kuya ko kung makasigaw akala mo naman kinakatay na baboy eh. Pfft... Pero alam ko na seryoso nga siya dahil nung isang araw ginawa niya na sakin yan nung hindi niya ako magising. Atsaka tinawag na niya ako sa pangalan ko kaya seryoso na yan pag ganyan.

"Eto na nga po oh tatayo na." sigaw ko pabalik at naramdaman ko naman na umalis na si kuya sa tapat ng kwarto ko. Pagkaalis niya tumayo na ako at naligo. After 30 mins natapos na din ako kaya nagbihis na ako at bumaba na para mag-almusal. Nadatnan ko naman sila na kumakain na. Lumapit ako kay mom at dad at humalik sa pisngi nila.

"Goodmorning mom and dad at syempre sa napakabait kong kuya." sarcastic kong sabi at umupo na sa tabi niya. Binati niya naman ako at nagpatuloy na sa pagkain.

"Goodmorning baby!" masayang bati naman ni mom pagkaupo ko. Napasimangot ako. Tsk! I'm not a baby anymore! Tinignan ko sila habang nag umpisa na akong kumuha ng kanin.

"Tsk! Hindi niyo man lang ako hinintay." kunwareng nagtatampong sabi ko.

"Eh ang bagal mo kase sis. Kaya nga ginising kita nang maaga eh dahil daig mo pa ang pagong kung kumilos." natatawang sabi nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumahimik ito.

Ay di pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Kristine Sofia Alvarez. 17 years old at fourth year high school at yung kanina naman ay si kuya Cyrill Jade. 23 years old na siya at mayroon ng sariling trabaho. Unang araw ng pasok ko ngayon at transferee ako sa papasukan kong eskwelahan. Sa East High University. I'm two months late this school year dahil nga nakick-out ako sa dati kong eskwelahan. Hay! Another school na naman.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. "Bye mom, dad at kuya. Una na po ako." paalam ko at niyakap sila.

"Mag iingat ka dun ah?! Yung habilin namin sayo wag mong kalimutan." dad said in a serious tone at hinalikan ako sa noo. Tumango naman ako.

"Mamimiss ka namin baby. O sige na malayo pa ang byahe niyo." madramang sabi naman ni mom habang sumisinghot singhot pa at parang maiiyak. Napairap na lang ako. Kahit kailan talaga napaka-childish niya.

"Mom hindi pa ako mamamatay mag aaral lang po ako at dadalaw naman po ako dito pag bakasyon eh. Sige po alis na ako." pagapapaalam ko at kumaway kaway habang papaalis.

"Bye sis." dinig ko pang sabi ni kuya. Hindi ko na siya nilingon at pinakuha ko na kay mang Carding ang driver namin, yung gamit ko at nagpahatid na sa kanya.

Habang nasa biyahe nagpatugtog muna ako at pumikit. Naalala ko naman yung sinabi nila sa akin noong nakaraang linggo.

*Flashback*

Nandito ako ngayon sa tapat ng office ni Dad dahil pinatawag niya ako at may importante daw siyang sasabihin sa'kin. Kumatok muna ako bago dahang dahang pumasok. Nakita ko namang nag-uusap sila mom at dad at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

"Ahmm.. Pinatawag niyo daw po ako?" tanong ko kaya napabaling sila ng tingin sa'kin. Umupo naman ako sa sofa malapit sa kanila.

"Yes hija, may gusto lang sana kaming sabihin sa'yo. Napagdesisyunan namin ng dad mo na ililipat ka namin sa East High at ayaw na ayaw ko na ulit malaman na nakipag away ka na naman dahil sa mga kalokohan mo." seryosong sabi ni mom sa akin. East High? Yung pinakasikat na eskwelahan dito?

"Tama ang mom mo. Ilan beses ka na nga bang nakick-out huh?! Pang sampu mo na ba 'to? Mabuti nga at may tumanggap pang eskwelahan sayo. Kristine sana magtino ka na dahil halos lahat napasukan mo na at wala na ring gustong tumanggap sayo." bulyaw sa'kin ni dad habang hinihilot ang sentido niya. This time alam kong seryoso na siya dahil tinawag na niya ako sa pangalan ko. Tsk! Kasalanan ko ba kung lumaban ako? Atsaka sila nauna no wala akong kasalanan.

"Sa susunod na linggo ka pa lilipat pagkatapos maayos nung mga papers mo at mayroon na ding dorm doon kaya ayusin mo na yung mga gamit na dadalhin mo." mom said.

Napabuntong hininga na lang ako at dahan dahang tumango. Wala naman akong magagawa kapag sinabi na nila eh. Hay! New school. New life. Sana this time maging maganda at maging maayos na ang school year ko.

*end of flashback*

"Ma'am Kristine nandito na po tayo." napatigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang boses ni mang Carding. Napaayos naman ako ng upo at pinatay na ang kanta na tumutugtog. Huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay bumaba na.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng sasakyan kitang kita ko na ang gate na napakalaki. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan di naman ako ganito sa dati kong mga napasukan na eskwelahan ah! Kulay itim ang gate nila at masasabi kong dito pa lang sa labas ay maganda na at sa ibabaw naman nito ay may nakasulat na....

East High University

Cursed Section Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon