author's note:
so nevermind, tagalog language na lang gagamitin ko para mas feel kong isulat. hahaha ok sige na, eto na po. Pero wArning lang po, baka short story lang to kasi naman, saklap eh! Relate ako dito, sobra!
---------------- ------------------- --------------------- ------------------Dear Diary,
Kailangan ko pa bang magpakilala? Ako pala si Synnel. Unique ng name ko di ba? 17 years old na ako ngayon, kaka-birthday ko lang last November. Bakit ngayon ko lang naisipang magsulat sa diary? hmmm... bakit ngayon nga lang ba? Siguro kasi di ko na kaya.
Araw-araw mong makikita ang taong mahal mo sa piling ng iba. Kaibigan mo pa. Pero wala eh, wla kang magagawa, nainlove DAW sila. Sila na parehong malalandi at may reputasyon bilang playboy at playgirl. Di ko sila sinisiraan, pero yan talaga ang reputasyon nila sa school. At eto naman ako, goodgirl, naniwala na mahal ako ng isang playboy na tulad ni Ryle. Pero yung trip nya din naman pala yung kagaya niyang playgirl. Pero ngayon, si Ginelle nagbago na, loyal kay Ryle, tinamaan eh. Pero si Ryle? Mahal nga nya ang kaibigan kong si Ginelle, higit pa sa pagmamahal na pinakita nya sakin pero, yun, di maiwasang lumandi sa iba.
Ang sakit sakit talaga Diary, kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong magpretend na oo, ok lang ako. Naka move-on na ako kay Ryle kahit sa tuwing nakikita kong masaya sila ni Ginelle di ko maiwasang isipin 'sana ako yung nasa tabi nya'. Bakit ba kasi ang love, di tulad sa wattpad? Yung lovestory na yung goodgirl napabago si badboy o playboy kasi sobrang mahal sya? Kaso hindi eh, eto yung reality. Hindi to wattpad. Si goodgirl, minahal nga ba talaga ni playboy o pinaasa lang at tsaka iniwan nalang bigla sa ere?
Kasi sa totoo lang diary, ako yung goodgirl at base sa experience ko, pinaasa lang ako ni Ryle. Todo bigay effort, super possessive na parang tulad ng nasa wattpad. Pero pag di masunod ang gusto, lumalandi sa iba. Bakit ba kasi ganyan ang love? Di ba pwedeng walang epal?
Sana ang Love parang kalsada. Kung sino ang pumagitna, MAMAMATAY!
Sige Diary, next time naman, magpapakasakit na naman ako sa school ngayon, kaklase ko silang dalawa eh, wagas maka PDA pati Groupchat dinamay pa nila sa landian nialng dalawa.
Ang bitter na may-ari mo,
Synnel

BINABASA MO ANG
It's not meant to be
Teen FictionI love you, but I can never have you and never will. He loves me but I'm still stuck in the past. She loves you and your hers. You love her and she's yours. In this kind of twisted love, I can only look from afar and do nothing even though it hurts...