Entry 2

4 0 0
                                    

Dear Diary,

Alam mo yung feeling na, dati, AKO yung nasa tabi nya palagi?

Pero DATI na pala yun, ngayon si Ginelle na. Hanggang ngayon pinipilit ko ang sarili kong ngumiti kahit nasa harapan ko pa sila mag PDA. Nakalimutan ko, normal lang kasi mag PDA kahit mag MU lang kayo. Hindi kasi ako nasanay at never pa ako nagkaroon ng experience pagdating sa relationship. Yan tuloy, lagi akong naloloko at nasasaktan.

Diary, alam mo ba nung nagkaroon nga resectioning tapos isa ako sa mga bagong lipat sa section? Sobrang hirap. Mahiyain ako kaya wala ako masyadong mga kaclose at kakilala na hindi ko kaibigan. Ang hirap din kasi lagi akong naju-judge ng ibang tao kesyo ganito ganyan. First impression nila sa akin palagi suplada, maldita, at pagdating sa lalaki, mataas ang quality na hinahanap ko daw. Bakit ba ganyan ang mga tao? Lagi kang hinuhusgahan kahit di ka naman nila kilala. Dahil sa first impression halos walang gustong lumapit sa akin unless ako ang lumapit.

Eh anong magagawa ko!? Mahiyain ako at tahimik na may sariling mundo. Kaya naman laking gulat ko nang bigla na lang lumapit sa akin si Ryle. Si Ryle na popular, playboy pero friendly, maingay at palabiro. Sa madaling salita, opposite ko. Di ko alam na type nya pala ako, kasi halos lahat ng mga naging ex nya, mestisa gaya ko. (Dapat pala sa ganitong clue palang at sa mga chismis tungkol sa kanya hindi ko na sya binigyan ng chance. Pero naniwala kasi ako na magbabago sya dahil mahal nya din ako. Pero sa huli, wala rin naman palang pinagbago.)    :(

Pero dahil nga wala akong experience pagdating sa pag-ibig, isa akong dakilang MANHID. Di ko malalaman kung anong nararamdaman mo para sa akin hangga't hindi mo sinasabi sa harapan ko.

Manhid ako, oo alam ko. Kaya nagulat na lang ako ng bigla akong tanungin ni Lance, kaklase ko dati at bestfriend din ni Ryle kung ano ang status naming dalawa. Ganun na rin sa tanong ni Rey kung 'anong feeling na pinag-aagawan ng dalawang lalaki' .

Alam kong manhid ako, pero deep inside, minsan ramdam ko din pero ayaw ko lang tanggapin at paniwalaan na oo, mayroon syang gusto sa akin. Kaya naman nagulat na lang ako ng bigla na lang nanamlay si Evan at di na niya ako jino-joke na girlfriend daw nya ako.

Dahil dinaan nya sa joke ang nararamdaman nya, inakala ko tuloy na JOKE nga talaga.

                             

                                                                                                             Ang bitter mong manunulat,
                                                                                                                             Synnel

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's not meant to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon