Chapter 1: Congrats, Karylle

7.1K 121 17
                                    


Author's Note: Hi everyone! Hi sibs! So, this is my first time posting a tagalog fanfic. Matagal na ko may mga naiisip na plots/storylines tungkol sa ViceRylle, and finally I had the time to upload a story. But this story is not really much of a ViceRylle story...siguro. Basta, this story focuses more on Karylle. I might insert some ViceRylle plot here, depends though. Anyway, this was supposed to be a oneshot, but sa kalagitnaan naisipan kong gawing story na talaga. So yun lang, enjoy sibs!

~~~~

"Ay, congrats din kay K, sa concert mo K, congrats," sabi ni Vhong kay Karylle pagkatapos magkumento ni Yeng.

"Thank you so much," pangiting sabi naman ni Karylle.

"Yes. Niyayaya ko sila kahapon e," biglang singit ni Vice habang nakakapit sa braso ni Vhong.

"Saan?" biglang tanong ni Vhong kay Vice sabay lingon dito.

Hindi na naman nakasagot pa si Vice sa tanong ni Vhong at natawa na lamang habang kinakantyawan ni Vhong si Vice sa mata lamang.

"Ang cute cute mo talaga," sabi na lamang ni Vice upang maiba ang usapan.

Nang pinagpatuloy lamang ni Vice at Vhong ang pagpapakilala sa susunod na contestant, ay bumalik na naman ang mga lungkot sa mata ni Karylle. Hanggang sa matapos ang programa, nakangiti ang labi ni Karylle ngunit salungat naman ang pinapakita ng kanyang mga mata. Halos lahat ng mga hosts ay nagtungo muna sa lounge upang kumain ng late lunch nila na siyang libre naman ni Direk Bobet. Medyo nahuli naman ng kaunti si Karylle pagpunta doon sapagkat may mga ibang tao sa audience na nagpa-picture pa muna sa kanya na pinaunlakan naman niya. Pagkarating nya sa lounge, nakita na niyang todo kain na ang iba at may kanya-kanya na din usapan. Kumuha muna si Karylle ng kanyang makakain at lumapit kina Vice, Vhong, at Billy.

"Oy, ano pinag-uusapan niyo. Sali naman ako," singit ni Karylle sa mga lalaki.

"Wala. Usapang lalaki 'to Karylle, masyado ka pang bata," palokong sagot naman ni Vice kay Karylle.

"Grabe naman sa masyadong bata. Madami na kaya akong natutunan na kung anu-ano sayo," sagot ni Karylle.

"Huy! Huy! Karylle! Mga pinagsasabi mo," biglang sigaw ni Vice na ikinatawa naman ni Karylle.

"Hi guys! Ano meron?" biglang singit naman ni Anne at tumabi kay Karylle.

"Anong meron? Yang malaking bunganga mo," lokong sagot ni Vice na siya namang ikinatawa nila Jhong.

"Grabe ka!" sabay palo ni Anne kay Vice na ang lakas ng tawa.

Bigla namang napatigil sa tawa si Vice ng biglang nakitang pumasok si Yeng sa lounge, kaya naman tinawag niya ito at lumapit naman si Yeng sa kanila. Tumayo si Vice at hinalikan sa pisngi at pinanggigilan na yakapin si Yeng.

"Oy, grabe. Congrats kagabi. Galing niyo talaga," sabi ni Vice.

"Thank you ng sobra sa pagpunta," mataimtim na pagpapasalamat ni Yeng kay Vice.

Panay na ang kwento ni Vice kina Vhong ng mga pangyayari kagabi sa concert ng Divas Live In Manila. Kitang kita ang saya at excitement ni Vice sa pagkakapanood niya sa concert na iyon. Pagkatapos ng ilang minuto, nagpaalam na rin si Yeng sa kanila dahil sa may pupuntahan pa raw siya. Kahit nakaalis na si Yeng, tuloy-tuloy pa rin ang kwento ni Vice hanggang sa malipat ang usapan sa party naman ni Sandara kung san in-attendan din ng iba sa kanila. Panay lang ang kwentuhan at tawanan nila na parang hindi na napapansin ang isa pa nilang kasamahan.

"Guys, una na ko," biglang sabi ni Karylle sa mga kasama sa upuan, na parang hindi naman narinig dahil sa lakas na ng tawanan at kulitan nila.

Napabuntong hininga na lamang si Karylle at tumayo. Hindi na lang din siya nagpaalam pa sa iba at ng palabas na talaga siya ng lounge, narinig nya ang boses ni Direk Bobet.

Creep - ViceRylle StoryWhere stories live. Discover now