Chapter 19: Nothing Will Ever Change

1.7K 87 18
                                    

Author's Note: Yup, I'm back after being MIA in Wattpad for months. Hahaha. Just in time to give you guys a gift....an update. Hope you'll like this guys!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"I'm ready to tell the whole world how much I love you. Please tell me you will let me," naiiyak na sambit ni Vice.

"Vice..." mahinang sabi na lang ni K habang pinagmamasdan ang kaibigan na nasa harapan niya.

"Please, K. This time, ipaglalaban na kita. This time, kaya ko ng ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ka kahalaga para sa akin," patuloy na pag-iyak ni Vice.

"Bakit ka biglang umiwas?" biglang tanong ni K.

"Kailangan ko lang mag-isip ng mabuti, kasi ayoko ng makita kang nasasaktan ng dahil sakin. This time, gusto ko sure na ko, yung hindi na kita maiiwan pa. I had to clear my thoughts, that's why I decided to have some time for myself," pasimula ni Vice.

"And now, are you sure, Vice? About this? About us?" tanong ni K.

"Yes, this time, I'm sure," puno ng paninidigan na sabi ni Vice kay K.

"I still have a husband, Vice," mahinang sabi ni K.

"He's already asking for annulment, K," sabi ni Vice.

"But he's still my husband," sagot ni K.

"Fine, I'll wait. Nakapag-intay na nga ko ng ilang taon bago ko tuluyang sabihin lahat ng mga nasabi ko, ano pa ba ang ilang buwan o taon," sabi na lang ni Vice.

"I'm not asking you to wait for me, Vice," angal naman ni K.

"Whether you like it or not, I'll wait," mataimtim na sabi ni Vice kay K habang nakatitig sa mga mata ng huli.

Naputol naman ang kanilang pag-uusap ng biglang may kumatok sa pintuan ng dressing room ni K.

"Uhm, Meme, pasensya na sa abala ah. Baka kasi ma-late ka sa taping ng GGV. Medyo mahaba raw kasi ang taping ngayon kaya balak nila maaga mag-start," alanganin na sabi ni Buern sa amo niya, dahil ramdam naman niya na seryosong usapan ang nagaganap sa loob ng dressing room.

"Sige Buern, susunod na ko sa studio," sagot ni Vice sa make-up artist nya.

Ng tuluyan ng masara ang pinto, nilingon muli ni Vice ang babae sa kanyang harapan.

"Sige na, mauna na ko. Wag ka masyado magpagod ha. Sabihan ko na lang si Anne na sa condo mo na lang kayo kumain,"

Nakita naman niya na ang parang pinaghalong pagtataka at pagkagulat sa mukha ni Karylle.

"Kahit hindi kita nakakausap at nakakasama, inaalam ko pa rin ang mga nangyayari sa'yo. I know Anne's been staying at your condo for a while, and that's good. Sure naman akong namiss niyo rin ang isa't isa. Anyway, I'll go ahead," sabi na lamang ni Vice.

Palabas na sana si Vice sa dressing room ni Karylle ng bigla siyang napatigil. Nagulat naman si Karylle ng biglang numalik si Vice sa harapan niya at niyakap siya ng mahigpit, na para bang wala na siyang balak pang pakawalan si Karylle.

"Take care. I love you," mahinang bulong ni Vice sa tenga ni Karylle, pagkatapos ay hinalikan ang noo nito.

Hindi alam ni Karylle kung bakit, pero sobrang ramdam niya ang sinabing iyon ni Vice. Lalo na ng hinalikan pa siya sa noo ng binata. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya dahil sa sobrang lakas ng pagkakaramdam niya sa pagmamahal ni Vice sa kanya. Napabalik na lamang siya sa ulirat ng narinig na lamang niya ang pagsara ng pintuan ng dressing room niya. Napabuntong-hininga na lamang siya at bumalik na lamang sa pag-aayos ng gamit niya ng biglang tumunog ang telepono niya. Wala pa sana siyang balak sagutin ito ngunit ng makita kung sino ang tumatawag, sinagot na rin niya.

Creep - ViceRylle StoryWhere stories live. Discover now