Chapter 10: Forever And Always

2.9K 102 21
                                    

Author's Note: Not gonna make this long, hope you'll enjoy this update! :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tahimik lamang na naglalakad si Vice kasama ang mga kaibigan niya habang sila ay papunta sa main entrance ng Sky Ranch. Napansin naman ito ng dalawang lalaki na katabi niya, at napailing na lamang silang dalawa.

"Kelan mo ba balak sabihin?" bulong na tanong ni Vhong kay Vice.

"Na ano?" naguguluhang tanong ni Vice.

"Na mahal mo pa rin siya," sagot naman ni Vhong.

"Kanino?" kunwaring walang alam na tanong ni Vice.

"Sino pa, edi yung babaeng halos matunaw na kanina pa dahil sa sobrang pagtitig mo," sagot pabalik ni Vhong.

"Para saan pa?" tanong muli ni Vice.

"So that you can finally move on," biglang pagsabat naman ni Billy.

"Hindi ba dapat hindi ko na i-bring up pa yun, kasi pag binanggit ko pa, edi parang hindi moving on yun," sabi na lang ni Vice.

"Before you fully move on, you need some closure," sabi ni Billy.

"Closure? Ang OA niyo naman, never naman naging kami," sabi na lang ni Vice at napapagod na rin sa paulit-ulit na topic nila.

"That's definitely why you need that closure, because right now, your heart is having regrets on not ever telling her how you feel. You're having regrets that it was never you on that altar. You're having what-ifs on your mind. Basically, you need to tell her so that your heart and brain can fully comprehend that the both of you will and can never work out anymore," prangkang sabi ni Billy.

"Wow, sakit nun ah," pabirong sabi ni Vice pero alam mong nasaktan talaga.

"Sorry bestie, but right now, I think that much honesty is what you need," sagot na lang ni Billy at sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

"HOY! ANG TATAGAL NIYO NAMAN MAGLAKAD!" biglang sigaw ni Anne na nagpagitla sa tatlong lalaki.

Hindi nila napansin napatigil na pala sila sa paglalakad dahil sa usapang naganap, at nakitang nasa entrance na ang dalawang babae at nakabili na rin ng tickets. Binilisan na lang nila ang lakad dahil halatang medyo naiinip na rin si Anne.

"What were you guys doing back there ha?" tanong ni Anne.

"Wala, kahit kalian napaka-tsismosa mo ngangabu," palokong sabi ni Vice.

"Ay nako, ewan ko sa'yo wakla," pag-irap na lang ni Anne at hinigit na lang si Karylle papasok sa loob.

Wala naman masyadong makikita sa loob nito. Hindi naman ganun kalakihan katulad ng ibang theme parks at hindi rin karamihan ang mga rides doon. Matapos ang ilang minutong pag-iikot, pagpi-picture, pagtitingin nga mga mabibili, naisipan na nilang sumakay sa huling ride na hindi pa nila nasasakyan, sa Ferris Wheel.

"Teka lang, mag-CR lang pala ako," sabi ni Karylle sa grupo.

Nakamasid lang naman ang apat kay Karylle papunta sa CR. Habang hinihintay nila bumalik si Karylle ay mga mga taong nagpapa-picture na rin sa kanila. Papunta na sana rin sila sa pila ng Ferris Wheel nung mapansin nilang pabalik na si Karylle sa pwesto nila ng biglang may mga lumalapit na mga tao kay Karylle para magpa-picture. Nung una ay okay lang naman, ngunit napansin ni Vice na medyo dinudumog na rin si Karylle sa may gitna at mukhang medyo naiipit na.

"Guys, I think one of you should help K out there," sabi ni Anne ng napansin na rin niya na nagkakagulo na sa may parte ni Karylle.

Papalapit na sana si Vhong ng bigla siyang pinigilan ni Billy at sumenyas na lang na tumingin kung asan si Karylle.

Creep - ViceRylle StoryWhere stories live. Discover now