Chapter 7: Kurba Ko

3.9K 88 37
                                    

Author's Note: So, here is chapter seven guys! :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~  

Kinaumagahan, nagising si Karylle dahil sa pagtunog ng kanyang phone. Kinuha niya ito at nakita niyang may message siya galing sa taong naging dahilan na mahimbing niyang tulog.

From: Vicey

Kurbaaaaaa! Gooooooood morning! O diba, aga ko nagising? Bagong buhay na ata itong si Pogi mo. Haha. Wakey wakey ka na, eat ka ng breakfast, don't skip meals ha! Kung hindi pektus ka sakin, joke. Smile ka lang Ms. Kurba ko. See you later sa Showtime! 😘

Hindi naman alam ni Karylle kung ano mararamdaman niya. Natutuwa siya sa ginawa ni Vice kagabi, at napapangiti naman siya ngayon sa text ni Vice, pero hindi pa rin niya talaga maintindihan bakit parang bigla nag-iba ang ihip ng hangin at biglang bumabait na naman si Vice sa kanya, di katulad ng mga nakaraang araw at linggo na hindi sila masyadong nagpapansinan. Maya-maya nakaramdam na lang siya ng biglang pag-ikot ng sikmura, kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa CR at doon ay di na napigilang ilabas ang pagsuka niya. Matapos ang ilang minuto, nagmumog at hilamos na si Karylle at tiningnan ang sarili sa salamin. Ang dating mga mata niyang nagniningning ay nagpapakita na ng sobrang laking pamumugto dahil sa pag-iyak gabi-gabi. Ang mga labi niyang laging nakangiti noon ay puro lungkot na lamang at pekeng ngiti ang kayang ipakita ngayon. Ang kanyang mukha na noon ay sobrang liwanag at maaliwalas ay hindi na kayang ipeke ang mga sakit na kanyang nararamdaman. Nalulungkot na naman siya ng bigla na lamang siya nakarinig ng ingay mula sa labas ng banyo kaya't lumabas siya.

"Andito ka pa pala. I thought you left already," sabi ni Yael.

"Hindi pa, I just woke up actually," sagot na lang ni Karylle sa asawa.

"Really? Wow, that's a first. Di ka pa ba mag-aayos? Baka ma-late ka na nyan sa Showtime ah," sabi ni Yael.

"I'm not really sure if I'm going. I don't feel well kasi," sabi na lang ni Karylle na naging rason para matingnan siyang maigi ng asawa niya.

"Yeah, you don't look good. May gamot pa naman ata tayo dyan, inom ka na lang. Sige, alis na rin ako," sabi ni Yael ulit at akmang palabas na ng kwarto ng bigla siyang tinawa ni Karylle.

"That's it? Kakauwi mo lang from your gig which lasted for a few days, uuwi ka dito then not a few minutes later aalis ka ulit?" tanong ni Karylle sa asawa.

"We have band practice today K. I can't miss it, we still have some upcoming gigs," sagot ni Yael.

"I'm sick, Yael. Pwede ba for once, wag naman yang banda mo ang asikasuhin mo?!" nagagalit na tanong na din ni Karylle.

"As I said earlier, may mga gamot naman diyan. Uminom ka na lang. That's probably just some flu. Look, the guys are waiting for me downstairs already, I have to go," sabi na lang ni Yael at dumiretso ng umalis ng condo nila ng asawa.

Hindi na napigilan ni Karylle ang umiyak muli dahil sa hindi pa rin pagkakabati nilang mag-asawa. Nabalik na lamang siya sa ulirat ng narinig na naman niyang tumunog ang phone niya.

From: Vicey

Kurbaaaaaa! Baka tulog ka pa diyan ha? Aba! Gising na! Male-late ka nyan, grabe ka. Hahaha. See you! 😘

Tiningnan ni Karylle ang oras at nagulat siya, may isa't kalahating oras na lang siya para makarating sa studio kaya't nagdali-dali na siyang maligo at mag-prepare papuntang studio.

.

.

.

.

Creep - ViceRylle StoryWhere stories live. Discover now