[a/n: Wieee. naka-quota din! Hahaha. Eto na update. 10 likes uli ha. Pwede din mag-comment. Haha. Oh eto na. :)))]
"Pre, san ka na naman galing? Nawawala ka nalang bigla dito eh." Bungad sakin ni Dino pagpasok ko ng studio.
"Ah. Eh. Diyan lang. May tiningnan lang ako."
Sumilip kasi ako sa taas. Baka bukas na sa Clicker. Hmm. Wala lang. May gusto lang ako nakita. Ano kaya pangalan niya.
"Sus. Nanchi-chix ka naman no? Hay. Kakabalik mo lang dito sa Pinas, babae agad hanap mo."
"Gago. Hindi ah. Bumalik ako dito para i-manage itong studio. Hindi para sa babae."
"Hala. Sige na. Naniniwala na. Haha. Ay siya nga pala tol. Baka umalis ako ng maagap mamaya ha."
Sabi niya habang nagaayos ng mga gamit sa counter ng studio.
Lumapit naman ako at umupo sa tapat ng computer.
"Edi magsara na tayo pagalis mo." Tamad kong sabi.
"Ha? Eh sayang naman. Saturday ngayon. Panigurado marami magrerent. Kaya mo na yun tol."
Di nalang ako sumagot. Katamad kaya magbantay. Yung iba naman kasi mga hindi magagaling sumayaw. Katamad manuod. Mas magaling pa ako sa mga yun eh. Kahit walang practice. Tsk.
-------------------------------
"Friend, sure ka ba na kaya mo? *cough*"
"Oo Lysie. Umuwi ka na. Mamaya hawaan mo pa ako niyang ubo mo."
"Grabe ka friend. Sige na nga. Text mo nalang ako kung may problema ha."
Tumango nalang ako at umalis na siya.
"Hayyyy."
Napabuntong hininga nalang ako. Solo na maman ako. Di ako sanay.Dati kasi, pag wala si Lysie si Christian kasama ko dito. Habang walang customer, kami ang nagpho-photoshoot. Mapupuno na nga ng picture namin ang kwarto ko sa pagka-vain naming dalawa. Pero lahat ng yun nawala nung naghiwalay kami. Mababalik pa kaya yun?
Napailing nalang ako.
Wag na siguro muna. Masakit pa.
"Ay naku. Sa susunod dito uli ako magpapapicture. Enjoy na ako, ang ganda pa ng kuha mo. Naku hija, malayo ang mararating mo."
"Hehe. Salamat po Mam. Eh sadya naman pong magaling lang kayo mag-project. Di halata na 50 years young na kayo. Hehe."
"Hehehe. Katuwa ka talagang bata ka. Swerte sayo ang nobyo mo. Mabait ka na, magaling ka pa makisama at talented ka pa."
"Ah, eh. Wala na po ako..."
"Naku hija. Wag mo akong lokohin. Kaganda mo. Kunting exercise lang, magkakaron na ng magandang hugis yang katawan mo. Diet diet pag may time."
Matutuwa ba ako o mahuhurt? Mataba ba talaga ako? -____-
"Di naman sa sinasabi kong mataba ka, try mo sumayaw. Sigurado ako gaganda yang katawan mo."
Hmmm. Narinig niya ba ako? Pwede. Nasayaw naman ako pero iba ang interest ko eh. I'll think of it.
"Hehe. Sige po. Pagiisipan ko po yan. Eto na po yung picture nito."
Inabot ko sa kanya yung mga picture at kitang kita ang amusement niya.
"Ay ganda ko dito. Saka dito pa. Dito rin. Hayyy. Salamat talaga hija. Tiyak na babalik ako dito. Irerecommend ko din sa mga friends ko. Mahihilig kami magphotoshoot eh. Hehe.
"Sige po. Intayin ko po uli kayo ha. Hehe. Ingat po!"
Natapos din ang photoshoot.
Kaloka. Bat kung kailan solo lang ako saka madaming customer. Malas ata si Lysie ah. Haha
![](https://img.wattpad.com/cover/10028375-288-k77361.jpg)
BINABASA MO ANG
My Fickle Guy (EXO Kai Short Story)
Cerita PendekAt first he's sweet, then he's not. He'll kiss me, then shout at me. I love it when he say he love me. but I can't take it when he told me to leave.