Chapter 3

8 0 0
                                    

Nang makapasok na kame sa mall, laking gulat namen ni Nikka. Nakita namin siya. Nakita ko siya. May kasama siyang ibang babae. Siya. Si Jeri. Ang lalaking iniwan ako. Ang lalaking minahal ko ng sobra. Kasama niya si Juley. Nakita nila kami. Halatang gulat na gulat ang reaksyon nilang dalawa nang makita nila kame ni Nikka. Ako.

Napabitaw si Jeri sa pagka hawak sa kamay ni Juley nang makita niya ako.

Lalapit siya sana samen ngunit pinigilan siya ni Juley.

Wala lang. Nakatitig lang ako kay Jeri, at nakatitig naman siya sakin na halatang gulat na gulat talaga siya.

Hinatak ni Nikka ang kamay ko at sabi "Rina, tara na."

At naglakad kami papalayo.

Naglalakad kami ngayon, tahimik kaming naglalakad ni Nikka sa mall. Diko namalayan tumutulo na pala ang luha ko. Nang tinawag ni Nikka ang aking pangalan, agad agad kong pinunasan ang aking mga luha.

"Rina, okay ka lang ba?" Tanong ni Nikka.

"Oo, okay lang ako." Sabi ko naman.

"Tara punta tayo sa may department store, bili tayong damit." Yaya niya sakin.

Tumango lang ako sa kanya.

Habang tumitingin si Nikka ng mga damit, eto ako, tulala at dipa rin maka get over sa nakita ko kanina.

Napagisipan kong pumunta sa cr dahil may cr naman dito sa loob ng department store. Nagpaalam ako kay Nikka at sinabing puntahan niya na lang ako doon pagka tapos niyang mamili ng mga damit.

Nakarating na ako sa cr at naglock sa may dulo sa isang cubicle. Umupo ako sa floor at linabas ang aking nararamdaman, sakto ako lang mag isa sa cr.

Sobrang sakit, sobra. Ang bilis niya naman makahanap ng iba, habang ako? Hirap na hirap kalimutan siya. At eto pa ah, kaaway ko pa ang ipinagpalit niya sakin. Kaaway ko si Juley since nung gradeschool days pa hanggang ngayon mga senior high na kame.

Nang nakaramdam ako ng konting ginhawa sa aking sarili, lumabas na ako ng cubicle at laking gulat ko paglabas ko ay si Nikka.

Ang dami na niyang binili na damit.

"Rina, alam kong di ka okay, kaya tara Starbucks tayo, my treat :) usap rin tayo there." Sabi ni Nikka.

Pumayag naman ako because why not diba? Joke lang haha.

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now