Nang makarating kami sa Starbucks ay nagorder na kami ng drinks at umupo na rin kami sa aming table.
"Rina, alam ko nasasaktan ka dahil nakita natin si Jeri and Jule---" huminto si Nikka sa pagsasalita niya dahil,
"Speaking of the devilS" diniin ni Nikka ang "S"
Napalingon naman ako kung saan siya nakatingin at laking gulat ko andito rin pala si Jeri at Juley, magkasama sila ULET.
Tumingin muna ng masama samin si Juley habang umupo siya at kinuha ang phone niya. Diko na lang siya pinansin.
Nagulat kami ni Nikka dahil papunta si Jeri sa aming direksyon at yun ang dahilan ng mas lalong tumingin ng masama samin si Juley, lalo na sa akin.
"Uhmmm, Nikka and Rina." Sabi ni Jeri.
Habang diko pinapansin at si Nikka naman nakatingin kay Jeri ng masama.
"Bes, may naririnig kaba? Parang may multo na nagsasalita sa atin e." Ang sabi ko kay Nikka.
"Oo nga bes e." Sabi naman ni Nikka.
"Tara na nga." Ang sabi ko kay Nikka.
Nang makatayo na kami, hinawakan ni Jeri ang aking braso. Nakita yun ni Juley.
"Mahal pa rin kita, Rina." Sabi ni Jeri.
"Pwede ba Jeri? Pagkatapos mong sabihin na ayaw mo na, nagsasawa ka na, dimo nako mahal, at kung anu-ano pa, tapos ngayon sasabihin mo yan?!!! Mahal mo pa ako?!! Sinong linoloko mo Jeri?! Ako?! Huh, sorry di ako tanga para mahalin ka ulet." Ang sabi ko sa kanya.
Sinampal ko si Jeri at tinapon ko sa kanya ang iniinum kong Chocolate Chip Cream kahit labag sa loob ko dahil sayang naman pero atleast sa kanya ko tinapon. Marami nang tao ang nakatingin samin dahil sa nangyari.
Iniwan namin ni Nikka si Jeri na nakatayo lang dun at ng umalis na kami, sasampalin sana ako ni Juley pero hinawakan ni Nikka ang kamay ni Juley na gagamitin sakin para isampal.
Sinampal ni Nikka si Juley sa harapan ng maraming tao, malakas manampal si Nikka kaya naman napaupo si Juley sa lakas.
Nag apir kame ni Nikka pagkalabas sa Starbucks. Ang sarap sa feeling bwahaha.

YOU ARE READING
The One That Got Away
Teen FictionIniwan ka naba sa ere? Umibig ka naba tapos nasaktan? Masakit pa rin ba? Nahihirapan kapa ba? Itong storyang ito ay tungkol sa mga na-iwanan, nasaktan at sa mga hirap mag move-on.